Chapter 13

29 15 2
                                    


Malapit lang ang plaza kaya napagdisisyunan nilang lakarin na lamang iyon matapos nilang kumain.

"Grabe, ang dami kong kinain. Tinatamad na akong maglakad." sabi ni Max habang ang kamay ay nasa tiyan.

"Kaya nga dapat maglakad tayo para matunawan ka."

"Baka mamaya maghahanap ka ng banyo ah?"

"May comfort room naman sa plaza."

"Grabe kayo sa akin ah? Hindi ko kayo pinahiya kahit kailan!"

Natawa sila sa babae.

"Baka ngayon pa lang." asar ni Cayote.

Maxine glared at him.

"Mga walanghiya kayo! Akin na nga ang wallet ko, sasakay na lang ako. Kita na lang tayo doon."

Hinila nito ang bag ni Cayote at nakasimangot na binuksan, napatigil sila nang may mahulog  na bagay mula doon.

"Oh, sorry." yumuko ito at pinulot iyon.

Medyo madilim kaya hindi nila una naaninag kung ano iyon pero nang itapat ni Maggie ang flashlight ng cellphone nito ay natigilan siya.

"Uy! Cheese craze!"

"That..."

Pinanood niya kung paano basta na lang buksan ng babae ang binigay niyang cheese craze kay Cayote kanina at mabilis na kinagatan.

She looked at Cayote, he's busy looking at his phone.

"Tangina? Akala ko ba busog ka na? Bakit mo pa kinain yan?" tanong ni Adrian.

"Masarap kaya to! Nakatikim ako nang ganito sa pamangkin ko. Tikman mo." inilapit nito iyon sa bibig ng lalaki.

Agad namang binuka ng isa ang bibig.

"Isa ka pa." napailing si Jude.

"Hmm. Masarap nga."

"Diba? Teka, meron pang isa dito."

Bumagsak ang balikat niya. Binigay niya iyon para kay Cayote e.

Lumingon si Cayote sa dalawa na may pagtatakang mukha. "Uy, anong ginagawa ni—"

Napaawang ang bibig nito nang bumaba ang tingin sa hawak ng dalawa. His eyes widened.

"That...that's my snacks." he muttered.

Their eyes met but she looked away.

Sana binalik na lang nito sa kaniya iyon kanina kung talagang ayaw nito iyon. Hindi sa nagdadamot siya pero binigay niya yun sa lalaki dahil tinulungan siya nito. That's for him, not for other people.

"Oo, sayo nga. May sinabi ba kaming samin?"

He gasped. "Pero kinain niyo..."

Maxine brows forrowed.

"Aba, nagdadamot ka na ngayon? Dati naman hinahayaan mong kainin ko yung mga pagkain mo sa bag mo ah?"

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inis.

Cayote comb his hair, looking annoyed. "Yeah, but not this one."

The four look at him weirdly.

"Oh sorry, para ba to kay Karol? Ibibili na lang kita bukas. Hindi pa naman namin nabubuksan tong isa." ibinalik iyon ni Max sa bag.

He brush his hair.
“No, it's fine.”

“Ang gulo mo.”

“Tigilan niyo na nga yan. Para tayong mga tanga dito sa gilid ng daan. Dali na, baka hindi pa tayo makasali mamaya.”

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon