"Kate, iha? Halina kayo dito. Ikaw naman Cayote, tawagin mo na ang mga kaibigan mo." rinig naming tawag ng mama nito sa dining area.
Nagmadali akong nagpunta doon kahit na masama parin ang loob medyo gumaan lang ng makatanggap ng simpleng halik.
Tinawanan lang ako ni Cayote bago tinawag ang dalawa.
"...happy birthday to you."
Napailing si Cayote nang matapos namin siyang kantahan. His two friends were laughing so hard.
"Parang bata naman."
Inabot sa akin ni tita Diane ang cake na sinindihan nito kanina. Hinarap ko iyon sa kaniya para mahipan nito ang kandila.
Tumingin ito sa cake at sa akin bago pumikit at hinipan iyon. Pumalakpak kami pagkatapos. He place his hand at my back and help me sit on the chair. Then we started eating. The tables were full of delicious and mouth watering foods. It's indeed a celebration.
"Nasaan si Max?"
"Nasa school niya. Hahabol na lang daw siguro."
Tumango ako. Maingay ang mesa dahil ang lalakas ng boses at tawanan ng mga lalakI. May sarili naman kaming usapan ni tita Diane. She's talkative at sinisigurado nitong hindi ako makakaramdam ng hiya. The foods are tasty lalo na ang lobster.
"You like that?" nakangiting tanong ni tita. Napansin siguro nitong kanina ko pa yun binabalik-balikan.
"Opo." Hinayaan ko na lang na himayan ako ni Cayote. Hindi ko naman siya inutusan.
"I'm glad you like it."
"Kayo po ba ang nagluto nitong lahat?"
"Yes. Simula nang umalis ako sa trabaho ko sa pagluluto na natuon ang oras ko."
"J-journalist po kayo dati diba?"
"Yes. And my son mentioned that you dream to be one too."
"Opo. Pero mukhang malabo na po yun." malungkot kong saad.
"Bakit mo naman nasabing malabo? You're still young. You can still achieve it."
Nang makalabas ng dining ay hinanap ko ang mga lalaki at nakita sila na nasa terasa pero hindi ako nagtungo doon. Pinapaantay kasi ako ni Tita Diane sa sala dahil gusto nitong makipag-kwentuhan. I was helping them clean the dining earlier pero pinalabas ako ng ginang. Hayaan ko na lang daw sa mga katulong.
Nag-ikot ikot ako sa loob habang inaantay ito. Tinungo ko ang mga frames na nakahanay at pinasadahan ng tingin. May mga litrato doon si Cayote mula pagkabata hanggang lumaki. May litrato ito kasama si Tita. I think it was his high school graduation. Naka-akbay ito sa mama nito na siyang nakasuot ng graduation hat. Parehong nakangiti. Meroon ding kasama si Carol at ang tatlong kaibigan.
Napahinto ako nang makita ang kaisa-isang family picture na nandoon. Tingin ko nasa elementary pa lang si Cayote doon. Napapagitnaan ito ni Tita at tingin ko papa nito. I only saw his father's side profile before. He looks intimidating and strict kahit na nakangiti ito ng konti doon.
Pero mukha siyang pamilyar.
"Iha?"
Napatuwid ako ng tayo ng marinig ang boses ni Tita Diane. Bumaba ang tingin nito sa tinitingnan kong litrato.
"Sorry po." nahihiya kong sabi. Baka isipin niya nangingialam ako.
Umiling ito at ngumiti. Inabot nito ang frame.
"No, it's fine. I guess your curious. Ito lang ang nag-iisa naming family picture noon na gustong ipatapon pa ni Cayote." she caressed the frame and smiled like she's reminiscing those memories.
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...