“Heto po ang bayad manong.”
Inabot niya sa driver ang pamasahe. Naunang bumaba si Sasha sa kaniya at nag-aantay sa labas.
“Salamat Miss.”
Tumango siya at lalabas na sana ng tricycle nang may mahagip ang mga mata niya. Napabalik siya sa loob at parang tangang tinakip ang bag sa mukha. Nagtatakang tiningnan siya ng driver.
“May problema ba Miss?”
She shook her head. Alanganin niyang nginitian ang lalaki.
“Ate, hindi ka pa ba bababa?” yumuko si Sasha para tingnan siya sa loob.
Nagpanic siya at agad na pinigilan ang kapatid dahil baka marinig siya ni Cayote na dadaan sa pwesto nila ngayon.
“Shh! M-mauna ka na lang. Susunod ako.” she murmured and slightly push her.
Makahulugang tumingin ito sa driver. Kumibit balikat naman ang lalaki.
“Wala ka bang cash?” akala ata nito hindi pa siya nakakabayad. Her sister started to open her bag and took her wallet.
“Meron! I already paid.” pigil niya.
“O, edi ano pang ginagawa mo diyan? Babyahe pa si manong.”
Hindi niya ito pinansin at muli niyang sinulyapan ang mga estudyanteng paparating. Mabilis na yumuko siya at hinila si Sasha para matakpan siya nito sa loob.
“What are you doing?” magkasalubong ang kilay na sinubukan nitong pumalag.
“Sandali lang manong.” aniya sa driver.
“Sino bang pinagtataguan mo?”
Hindi niya sinagot si Sasha at sinilip niya ang padaan na si Cayote at Judas. Nakasabit sa balikat ng lalaki ang bag, nakahawak sa strap ng bag nito ang isang kamay naman ay nasa bulsa. Para itong modelo na rarampa sa harap nila.
Hindi niya alam kung paano ito haharapin matapos itong umamin sa kaniya kagabi. Sa tuwing naaalala niya kasi iyon nahihiya siya at agad namumula.
Paano pa kaya kung magkaharap na sila ulit? Baka isipin nito kinikilig siya.
“Hayst!” hinila niya ang buhok.
“Oh!”
Napaangat siya ng tingin nang magsalita si Sasha. Nadatnan niyang nakabaling ang tingin nito sa daan. “Diba siya yung kasama mo nung sinundo ka namin ni Mang Nanding? Yung kaibigan ni Maggie?”
Huli na para mapigilan niya ang kapatid. Nasabi na nito iyon ng malakas habang papadaan si Cayote. Kita niya ang pagbaling ni Cayote sa kapatid niya bago bumaba ang mata sa kung saan siya nakaupo.
Kinurot niya ng mahina si Sasha at nagtago sa puwet nito. Paa niya lang ang kita doon.
“Kilala mo?” rinig niyang tanong ni Jude.
Nakatingin lang siya sa mga sapatos ng mga ito. They aren't stop walking but their paces slowed down.
She didn't hear words from Cayote for a minute. Pinigilan niya ang sariling sumilip.
“Nah. Let's just go. We're late. ”
Saka niya nakita ang papalayong paa ng dalawa. Bumuga siya ng hangin at nagdesisyong bumaba nang makapasok ang dalawa sa gate.
“Dadagdagan ko na lang po ang bayad. Pasensya na sa abala.” kausap niya sa driver.
Iwinagayway nito ang kamay sa harap niya. “Naku wag na Miss. Sobra na nga tong bayad mo hindi mo na kelangang dumagdag pa.”
![](https://img.wattpad.com/cover/254277802-288-k567746.jpg)
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomansaThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...