Chapter 4

129 112 0
                                    

Number

"Gutom na ako."

"Ako rin." Sagot ng katabi niyang si Maggie.

Tila may tenga ang tiyan niya at tumunog din iyon. "Anong pagkain sa cafeteria?" gusto niya ng ice cream saka bread for snacks.

Pumalakpak si Shalom. "Check na lang natin. Sana naman may bago nitatamad din akong lumabas pa ng school." Ganun din siya.

"Tara na habang hindi pa nagbebell. Mamaya mahaba na ang pila dahil nandyan na ang senior High."

Sinave na niya ang file at saka pinatay ang laptop niya. Ganoon din ang ginawa ng iba. Lima silang nandoon ngayon sa Club room sila kasi ang may maraming trabaho ngayong buwan kaya lagi silang present. Tumayo na si Miko at Khart habang si Maggie naman ay hinanap ang wallet.

"Tara na." hinila siya ni Shalom papuntang pinto.

Maingay na tinungo nila ang Cafeteria. Hindi pa nag-aalas tres kaya maluwag ang caf. Mabilis na pumila sila para maghanap ng makakain.

"Nga pala, nabanggit ni Si Jeff kanina na ipamigay daw natin yung sobrang Collegian na nasa club room. Hindi daw pwedeng nakatambak lang yun doon."

"Yung isang box?"

"Oo. Ewan ko ba bakit hindi kumukuha yung iba. Sayang sa tuition yun."

"Tapos pag nakitang may bago na todo reklamo naman na hindi nakakuha nung naunang release na collegian."

Nakikinig lang siya sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Umalis siya sa linya at tumungo sa freezer kung saan ang ice cream. Kumuha siya ng isang maliit at dumaan sa ref para kumuha ng mineral water saka Chuckie at dumiretso na sa counter at nagbayad.

"May bread ka na?" nagulat siya ng magsalita si Miko na nasa tabi niya.

Mukhang magbabayad na din ito. Sinulyapan niya ang pagkain nito tanging buko pie lang ang binili nito saka tubig.

"Oo. Ibibigay ni Maggie yung bread niya sakin."

Pag umuorder kasi ang babae ng spaghetti may kasaling dalawang bread iyon. Binibigay yun sa kaniya ni Maggie kasi hindi nito gusto iyon. In return, binibilhan niya ito ng Chuckie.

Tumango ang lalake. Nang makabayad ay naghanap na sila ng pwesto. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng magtanong si Shalom. "Kate, kumusta nga pala ang lakad niyo ni Eliseo kahapon?"

Nahinto siya sa paglalagay ng ice cream sa tinapay. The four of them looked at her.

"Okay naman. Nakakuha ako ng litrato."

"Sinong kasama?" hininto ni Maggie ang pagkain at inilapit ang sarili.

"Si Cayote. Hindi available ang iba nitong teammates e."

Lahat sila napunta ang tingin kay Maggie ng tumawa ito ng malakas. "Buti buhay pa kayong dalawa ng makarating."

"Bakit, ano bang meron?"

Pinakain niya sa bunganga ni Maggie ang para sana sa kaniyang tinapay. "Wala. Wag kayong magpapaniwala sa babaeng to. Kung ano-ano lang talaga napapansin niyan."

"Tanungin niyo na lang si Eliseo."

"Maggie." She warned.

"Eliseo!"

May kinawayan ang katabi. Don't tell me? Nang mapalingon ay nakita niya ang tatlong lalalke na papasok ng cafeteria.

"Uy." Napapikit siya ng marinig ang boses na papalapit. "Hi, sungit." Walang nakaupo sa harap niya kaya umupo ang lalake doon.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon