Wound
“Ginawa mo yun?”
“Oo nga.”
“Grabe ka. Bakit hindi mo na lang ibigay ang mismong number mo. Nageffort ka pang bumili ng bago para lokohin yung tao.” Paglelecture sa kaniya ni Maggie.
“Ayoko sa makukulit.” Humigop siya sa juice niya. Kita niya ang pag-iling ni Maggie.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa loob sila ngayon ng coffee shop na di kalayuan sa school nila. Fina-finalize na nila ang gawa nila para sa Southern Collegian. Balik klase na din sila sa susunod na araw siguradong magiging abala sila.
“Paano na lang kung malaman niya aber? Yun pa naman ang bayad mo sa pagsama niya sayo.”
Kumibit-balikat siya. Di niya rin alam. Siguro bibili na lang siya ng regalo para dito. Pagpapasalamat. Nag-excuse si Maggie ng tumunog ang phone nito. Pinahinga niya ang mga mata at isinandal ang likod.
“My secretary told me na hindi mo parin kinukuha ang perang inilagay ko sa account mo.”
“Hindi ko kelangan yun.”
“Cayote.” Napamulat siya ng marinig ang pamilyar na pangalan. Ang tinig ay nanggaling sa likuran niya.
“Do you think I’ve been cruel to you?” sinubukan niyang sumilip salamat sa mga tanim na nakaharang. Nakita niya ang isang lalaki na may matikas ang pangangatawan at singkit ang mga mata at kausap nga si Sayote.
“Hindi. Normal lang naman sayo ang gawin iyon. There’s no affection between us.”
“No affection? Papa mo ako. Paano mo nasabing wala.”
“You are my biological father but you never raised me.” Mahinang napasinghap siya. Kung magsalita ang lalaki ay tila may galit ito sa ama.
Napakagat labi siya at pinilit na wag makinig dahil personal na usapan iyon pero hindi niya mapigilan ang sariling tenga.
“Cayote.”
“Gusto mo lang naman noong dalhin ko ang apilyido mo. Pero malaki na ako ngayon. I can live on my own.”
“You are fighting against me!”
“Because you treat me as a stranger.”
“Kasi ayaw mong tanggapin ang pamilya ko! You could have live a more wealthy life kung hindi ka lang nagmamatigas.”
“I don't need your money. My mom worked hard to support my needs.”
“Hindi ko alam bakit hindi tayo magkasundo kahit sinusubukan ko naman. Anyway, tulad ng itinawag ko sa iyo gusto ka niyang makita at makasama. Kahit sa kaniya man lang maging mabuti kang kapatid.”
Wala siyang narinig na sagot sa lalake.
“Aalis na ako. Tawagan mo na lang si Zico sa bagay na yun.” narinig niya ang paggalaw ng upuan at ang papalayong hakbang.
Mukhang umalis na ang papa nito.
“Tangina.” Nanlaki ang mata niya ng makitang hinampas ng lalaki ang baso sa mesa matapos ang ilang minuto.
“Sir.” May lumapit na waitress.
“I’ll pay.” he coldly said.
“A-Ang kamay po ninyo.”
She saw blood in his right hand. Kita niya ang tarantang pag-abot ng babae ng tissue dito. Kinuha lang nito iyon at tumayo na. Hindi man lang ba niya aasikasuhin ang sugat?
“Huy, babae. Sinong sinisilip mo diyan?”
Pinigilan niya sa pagsilip si Maggie. “Wala. Akala ko kakilala ko, kamukha lang pala.”
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...