Chapter 8

118 87 1
                                    


“Oh, aalis ka na?”

Tumango siya kay Adrian ng makasalubong niya ito sa entrance ng gymnatium. Mukhang bumili ito ng tubig. May kasama ito pero sumenyas na mauna na sa loob.

“Oo. Hinatid ko lang si Karol. Pakisabi nga pala kay Sayote na nauna na ako.”

He tilted his head while brows forrowed. “Hindi ka nagpaalam?”

“Hindi na. Saka alam niya rin naman. Kelangan ko na rin kasing umuwi.”

Alanganing tumango ito. Yumuko siya at nilagpasan ito. Kelangan niyang makauwi agad para maiprint ang mga questionaire ng thesis niya. Ang dami niyang kelangang tapusin. Naalala niya ang kalat ng kwarto niya kanina ng iwan niya iyon.

Bumili muna siya ng isang ream ng bond paper bago umuwi. Paubos na kasi ang supply niya nun sa kanilang bahay. Nagcommute lang siya pauwi dahil tinatamad na siyang mag-antay pa.

Kakapasok niya pa lang ng may mamataan. Nanlamig siya ng makita ang sasakyan ng mama niya na nakapark sa labas. Tarantang pumasok siya sa kanilang bahay agad na nakita niya si Nana Eva niya na pababa ng hagdan dala-dala ang basurahan niya sa kaniyang kwarto.

“Nana?”

“Naku. Buti at nandito ka na. Ang mama mo nasa kwarto mo. Pinapatapon ang ilang gamit mo.”

Nanlaki nag mga mata niya at mabilis na inakyat ang kwarto. Bakit ngayon pa? Kung kelan hindi niya naibalik ang mga gamit sa pinagtaguan.

“Ma.” humahangos na bungad niya.

“Ano tong mga to, kate? Akala ko ba umalis ka na sa club na yan?”  Itinapon ng mama niya sa harap ang copy ng school paper nila at iilang papel na may print na mga sample layout na ipapakita niya sana sa adviser nila para sa We speak.

“Wag niyo pong papakialaman ang mga gamit ko.” lumuhod siya at nag-umpisang pulutin isa-isa  ang mga gamit.

“Pakialaman? Sinasayang mo lang ang oras mo sa mga bagay na iyan, Kate! I told you to quit! Kaya hindi ka nag e-excel sa pag-aaral mo, kasi mas nakatutok ka sa mga yan!”

“Nag-aaral naman po ako ng maayos.” kahit kailan hindi niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.

Nakarinig siya ng buntung-hininga. “Ayoko nang makita pa yang mga yan dito. Huli na to.” she warned.

Sinundan niya ng tingin ang paghakbang ng paa nito paalis. Tuluyan na siyang napaupo sa sahig. Alam niyang totohanin nito ang banta. She wasn't that strict before pero nung nalaman nitong sumali siya sa Collegian doon na ito nagsimula.

Her mother was a journalist. Iyon ata ang minana niya dito. Pero tumigil ito ng makaranas ng rahas sa propesyon. Bata pa lang sila nun nung iuwi ito ng papa niya sa kanilang bahay na puro pasa at sugat ang buong katawan. 

She had an accident with her team. Pinagbabaril ang sasakyan ng mga ito. Some says dahil daw iyon sa isang politiko na kinalaban nila. Kaya ayaw nitong sumali siya sa club kahit pa photojournalist lang siya.

Hindi naman journalism ang kinukuha niyang kurso. Iyon ang lagi niyang sinasabi pero tutol parin ito.

__

“Nandito na ho ang inaantay natin.”

Nangunot ang noo niya ng agad siyang lapitan ni Maggie hawak ang recorder nito. Itinapat nito iyon sa kaniya habang nakasunod papuntang locker niya.

“Anong ginagawa mo?”

Hindi siya nito pinansin.
“Miss Santiago, gaano po katotoo itong bali-balitang nagbabysit ka raw sa kapatid ng isang basketball player?”

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon