Chapter 7

134 95 2
                                    

Babysit

Friday came at abala siya sa pagpapapirma ng approaval sheet sa research center. Wala siyang pasok at tanging Research lang ang subject niya kaya inaasikaso na lamang niya ang papel.

Nang mapirmahan na ay tinungo niya ang daan papuntang Science building. While on her way, tumawag ang kapatid niya.

“Hello?”

“Tumatawag yung number.” bungad ng kapatid niya na agad niyang naintindihan.

“Is he still texting you?”

“Hindi. Isang beses lang. He texted sungit the night you gave me this sim tapos nung replayan ko hindi na nagtext ulit.”

“Bakit?”

“Aba malay ko.”

Ang ibig niyang sabihin bakit ito tumatawag.

“Paano to? Ilang beses na siya tumawag at mamamatay na ang phone ko. Kina-cancel ko naman but he keeps on calling. Tawagan mo na lang kaya baka emergency.”

Bumuga siya ng hangin. “Send me his number. Ako na ang tatawag.”

“Okay.”

Tumango lang siya at pinatay na ang tawag. Nakita niya doon kanina ang ilan sa mga club members nila na nagdi-distribute ng school paper sa mga dumadaan na estudyante.

“Pahinga muna kayo. Ako naman mamimigay.”

Kinuha niya kay Miko ang school paper. “No it’s fine. Kapapalit ko lang din kay Shalom. May klase siya.”

“Ikaw na dito, Kate.” umalis si Chacha sa pwesto at inabot sa kaniya ang hawak.

Kokonte lang din naman ang kumukuha kasi halos lahat nakakuha na. Papaubos na din iyon.

“Akala ko ba may inaasikaso ka?”

“Tapos na. Uuwi na rin siguro ako pagkatapos nito.”

“Sana all.”

Natawa siya. It’s the first time she heard him say that sana all word. Nakakagulat na alam pala nito iyon.

“Oh, thank God nakita agad kita!”
Pareho silang napalingon ni Miko ng may magsalita sa kanilang harap.

“Max?”

Anong ginagawa nito sa school nila at kasama pa nito ang anak.
“Hinahanap mo ba si Cayote?”

“Hindi. Ikaw ang sadya ko.”

“Ako?” nagtataka niyang tanong at naituro pa ang sarili.

“Yes. Uhh, busy ka ba?” sumulyap ito sa relo.

“After nito, hindi na. Bakit?”

Hinawakan nito sa balikat ang batang babae na naguguluhan din sa oras na iyon at inilapit sa kaniya.

“Great. Iiwan ko muna sana si Karol sa iyo. May laban pa kasi sila Cayote saka may exam kasi ako ngayon. I—.” nagpapanic ito.

Kaya ba tawag ng tawag ang isang yun sa kapatid niya?

“Sure! No problem.”

Kita niya ang pagliwanag ng mukha ng babae. “Naku, salamat talaga! Kukunin ko agad siya after.”

“Okay lang. Wala na din naman akong gagawin.”

Niyakap sya ng babae na ikinagulat niya. “Thank you so much!”

Umupo ito at kinausap si ang bata. “Karol, iiwan muna kita kay ate Kate ha? Wag ka makulit okay?”

“Pero, ate Max!”

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon