Chapter 26

29 0 0
                                        

Umalis din kami nang makabalik ang nurse. Mag si-six na din nun. Pareho kaming naglalakad ngayon ng tahimik sa gilid ng daan.

I don't even know where will we go. Lumilipad ang utak ko sa nangyari kanina kasabay nun ang paghu-hurumintado ng dibdib ko.

Kasalanan niya to e.

“T-tuloy parin ba tayo diyan?”

Tingin ko sa kabilang daan kung nasaan ang karindery na gusto niyang kainan namin ngayon. He was right. Pinalawak nga ng may-ari ang lugar at binuksan ang labas para makapwesto ang lahat. Nakahilera ang warm lights sa itaas. Ang ganda tingnan.

“Ang dami palang tao.”  he commented.

“It's their anniversary. Of course their customers will come. Isa pa, mahihirapan ka din kumain.” tukoy ko sa kamay niya.

“Tsk.”

We were both disappointed.

“Okay lang. Busog pa naman tayo pareho sa kinain natin kanina.” I tried to lift the mood.

Now we don't have anything to do...

Napatitig ako sa sapatos ko.

“What about ice cream?”

Sa unang pagkakataon tiningnan ko siya. He look so cute while asking.

“Okay...”

Nagpalinga-linga ito sa paligid.

“Tingnan natin doon. Baka meron sila.” turo ko sa tabing tindahan.

Pareho naming tinungo ang tindahan at sumilip sa freezer nila kung may maliliit na ice cream.

“Buti na lang meron.” binuksan nito iyon at chineck ang flavor. “Anong gusto mo?”

“Chocolate...”

Kumuha ito ng dalawa at inabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon at naglakad sa available na mesa. I watch him pay for it and went to me.

He chose to buy cornetto for himself. Siguro naisip din nitong mas mapapadali pag iyon ang pinili niya.

“Ako na.”

Kinuha ko iyon at binuksan para sa kaniya.

“Thanks.”

Tahimik kaming kumain habang ang tingin ay nasa karinderya na nasa kabilang daan.

“Next month enrollment na ulit no?”

“Hm, oo nga. Napag-usapan nga namin ng kaorg ko kanina na malapit na namin iwan ang Collegian.”

“De umiyak ka?”

“Maggie was so emotional.”

“At ikaw?”

“I also felt sad.”

“Ang bilis din kasi ng panahon. I will also leave the team. Not just me actually.”

Tama, marami sila. Most of his friends were part of the basketball team and most of them were graduating.

“May naisip ka na bang aplayan para sa training mo?”

“I have one in mind. Our professor suggest some banks if we plan to get in there. How about you?”

“May offer sa munisipyo, pwede din sa dswd at NGO. I am still not sure where to go. I still have weeks to think. Maybe that time I can decide.”

“We'll get busy by that time...”

“Oo nga.”

“Pero magkikita parin tayo.”

It wasn't a question. Tila sinasabi nitong dapat magkita kaming dalawa.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon