Chapter 22

119 14 2
                                    

“Good evening, kate.”

Nginitian ko ang preskong presko si Markus sa gabing iyon saka sinenyasan na pumasok na ng bahay.

Nilakihan ko ang pagbukas ng pintuan para makapasok siya. Kahit na may maid naman na handang gawin iyon para sa akin, sinabihan ko na lamang na ako na dahil kabilin bilin ng mama niya na siya ang magbukas ng pintuan sa lalaki.

Nanuot sa akin ang mabango nitong pabango ng mahiyaing nilagpasan niya ako.

“I never knew that our parents were close.” anito bago umikot ang mga mata sa paligid.

Tipid na ngumiti ako at bineso siya.

“Ako nga rin.”

“I'm kinda nervous when I spoke with tita earlier,” he breathe heavily. "At mukhang hanggang ngayon hindi parin nawawala.” pinasadahan nito ang leeg.

Tumunog ang phone ko kaya napatingin ako doon.

Cayote:

Nasa bahay parin kami. Nag-aaya ang tatlo na magbar kami. Okay lang ba?

Ako:

“Oo naman. It's your birthday, celebrate it with your friends.”

Iginiya ko si Markus paloob.

“Pasensya ka na dahil biglaan ang paanyaya.”

“No, it's fine. Wala din akong kasamang magdinner sa bahay e kasi wala sila papa.” nahihiya itong ngumiti. “And, uh... I want to meet your family too. Nakakahiya din tanggihan si tita.”

Cayote:

Sure? I won't go if you say so. Mag vi-video call pa tayo mamaya diba? Mas gusto kitang kausap. Didito na lang siguro ako.

Ako:

“Why would I say no? 🙄 Isa pa, may bisita kasing dumating sa bahay baka hindi ko masagot ang tawag mo mamaya. Just enjoy your night with them, Cayote.

Cayote:

🥺

Napangisi ako ng makita ang emoji ma sinend niya. Naiimagine ko ang mukha niyang nagpapaawa sa harap ko.

Me:

What?

Cayote:

Sungit naman.  Lalabas kami, ibig sabihin, marami akong makakasama sa labas.

Boy, girl, bakla, tomboy.

Napataas ang kilay ko. Anong gustong sabihin ng isang to.

Me:

Okay?

Cayote:

Hay, Kate Santiago. Pasalamat ka talaga

“Is that him?”

Itinago ko ang phone ko nang marinig ang boses ni mama na papalapit, nakasunod dito si papa. Napunta agad ang tingin nilang dalawa sa katabi ko.

My mother quickly scan him. Kilala ko ang mama ko, importante dito ang unang impression. Lahat ng mga kaibigan o kaklase niya ay dumaan sa tila scanner nitong mga mata. Nakadepende doon ang magiging trato niya sayo.

Nang makontento ay gumuhit ang ngiti sa labi nito. I guess she's impressed.

“Good evening po, ma'am, sir.” bati ni Markus.

Si papa ay tahimik lang at diretso ang tingin sa lalaki. Mukhang kilala na nito si Markus. Nang lumapat ang tingin niya sa akin ay tumaas ang kilay nito na tila nagbibintang.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon