Chapter 19

36 13 2
                                    


Hindi ako bumaba nung pinatawag ako para kumain. Ganun parin naman ang mangyayari, pagsasalitaan siya ng masama ng mama niya. Bababa na lang siguro siya mamaya kung tapos na ang mga ito o nagpapahinga na. Isa pa, nagugutom na rin kasi ako.

Hinanap ko ang phone ko nang marinig iyong tumunog. Hindi ko alam kung sasagutin ko iyon ng makitang si Cayote ang tumatawag.

Pero gusto kong marinig ang boses niya.

Sinagot ko iyon pero hindi ako agad nagsalita dahil baka mapansin nito ang garalgal na boses ko.

"Sungit..." malambing niyang tawag.

Sinandal ko ang likod ko sa gilid ng kama. Habang pinapakinggan ko ang boses niya, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pinahid ko ang basa kong pisngi at ngumiti. Hearing his voice made me smile. Wala na, hulog ka na.

"Kumain ka na ba?"

"Y-yes." Hindi ko napigilang sumagot.

I can hear his heavy breathing from the other line.

“I know you're lying." he paused. "Alam ko ang nangyari kanina.” nagulat ako sa sinabi niya. Which part and how? Did Sasha told him? Ang kapatid niya lang ang naiisip niyang magsasabi nun sa lalaki wala ng iba.

“Bumalik ako kasi may nakalimutan akong sabihin sayo then I accidentally heard your mom. I'm sorry. It was my fault. Kung hindi kita inaya, kung hindi kita sinama..."

Napapikit ako. So he heard my mom saying all those things on me. For the first time, nakaramdam ako ng hiya para doon.

"Hindi, Cayote. Wala kang kasalanan. Ginusto ko namang sumama sayo. I know from the start na hindi pwede, but I wanna be with you and your friends.” I gulped and thought something. “B-bakit, naturn off ka ba? Ayaw mo na?"

Hindi nakaligtas sa akin ang iritable niyang paghinga.

"Ayan ka na naman, pinangungunahan mo na naman ako, Kate."

I feel scared. Ngayon ko lang kasi nagawa yung mga bagay na hindi ko nagawa noon, naramdaman yung hindi ko akalaing nararamdaman ko ngayon. Nasasanay na ako sa kaniya. Pag biglaan siyang mawala at umalis, hindi ko alam paano bumalik sa dating ako. Natatakot na ako.

Tumayo ako at tinungo ang bintana ng kwarto ko. Niyakap ng malamig na hangin ang katawan ko.

Ang ganda at ang payapa ng buwan. How could they be that peaceful? Namo-mroblema din ba sila pag hindi sila nakikuta tuwing umaga?

"Ang dami ng bituin. They're beautiful." wala sa sariling sabi ko.

"Yeah... I am also looking at one right now. She's shining in my eyes." bulong nito.

I smiled. Sumandal ako sa frame ng bintana. Something tugged my heart thinking that we're watching the same star right now.

"Nasa labas ka ba?" naririnig ko kasi ang ingay ng sasakyan sa kabilang linya. Hindi pa rin ba siya umuuwi?

"May prinsipe sa harap ng bahay niyo."

"Huh?" hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Paano naman magkakaroon ng prinsipe sa harap ng bahay na--

Natulala ako nang mapadako ang tingin ko sa harap ng bahay namin. There I saw Cayote sitting on his motorcycle while looking at me. May itinaas itong supot ng isang sikat na fast food.

"Dinner?"

Hindi ko alam pero basta na lang tumulo yung luha ko nang makita siya. Suminghot ako.

"Kanina ka pa ba diyan?" parang tanga kong sabi habang umiiyak.

Kita ko ang pagtayo nito. "Kate...bakit ka na naman umiyak!" I laughed when I heard him panic.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon