Bumalik na kami sa tindahan nang makapag-ayos na si Cayote. Agad na inabutan ako ni Aly ng saging na kingatan ko naman agad.
"Kumusta kate? Nalambing mo na ba tong kaibigan namin?" nagtawanan ang mga lalaki. Naguguluhan ko silang tiningnan.
"Bakit ko siya lalambingin?" ngiwi ko.
"Kasi kanina pa to tinotopak. Tingnan mo nung nawala si Markus makakausap mo na ng matino."
"Mga siraulong to. Ako na naman ang nakita niyo." kumalas mula sa pagkaka-akbay ng kaibigan ang lalaki at umupo sa tabi ko. "Wag mo silang pansinin." bulong nito saka basta na lang kinagatan ang bananacue na hawak ko.
Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Parang wala lang naman na binitiwan nito ang kamay ko at tumango-tango na tila nagustuhan nito ang lasa nun. Nang iinuman nito ang juice ko sana ay pinigilan ko agad ito.
"Kumuha ka ng sayo. Wag ka ngang makishare, ang dami diyan o." tinuro ko ang mga pagkain.
He pout at naglungkot lungkutan.
"Damot mo naman."I look at him with disbelief. Ngumiti lang ito ng mapang-asar.
"Kate, sasama ka naman mamaya diba?"
I tore my eyes off him at binalingan ko si Aly. "Saan?"
Her forehead creased and glanced at Cayote. "Sa Peak. Hindi ba nabangit sayo ni Cayote?"
"Ako pa ba Aly? Siyempre sinabi ko sa kaniya na may pupuntahan tayo pagkatapos ng laro."
"Pero hindi mo sinabi kung saan."
He acted shocked. "A, hindi ba?"
Inirapan ko siya at otimuon ang atensyon kay Aly. Doon tayo sa mas matinong kausap.
"Malapit lang ba dito?"
Narinig at nakita ko na yung lugar na iyon sa mga social media ng iilang kakilala ko pero hindi pa talaga ako nakakapunta.
"Mga isa't kalahating oras siguro. Malayo layo din kasi pero hindi ka naman magsisisi pag nakita mo ang view." ngiti nito. "Marami silang bagong gawa doon.”
Naexcite ako sa sinabi ni Aly. Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan doon bago nagpaalam ang mga ito na aalis at kukunin ang mga motor ng mga ito. Nagulat pa ako kasi hindi ko alam na may ganoon ang lalaki.
"Aalis lang kami sandali. Wag mo akong mamiss." kindat nito.
Napangiwi ako. Hinarap nito si Aly at ibinilin ako. Hindi ko alam kung saan nila kukunin ang motor ng mga ito pero hindi na ako nagtanong pa.
"Wag kang mag-alala. Akong bahala." niyakap ni Aly ang braso ko at inaya ako sa loob ng bahay nila. Pinaalis muna namin ang mga lalaki bago tumungo sa loob.
We're just talking there. Her mother was hospitable to offer us food again. Wala ang papa niya kasi nasa trabaho at namasyal naman ang kapatid niya kaya kami lang ang nandoon. I didn't feel the boredom. She's talkative yet shy. Halatang napalaki sa maayos na pamilya. Hindi ko namalayang lumipas ang oras at dumating na ang mga lalaki kaya nilabas namin sila para makita na rin ang motor.
-
Huminto si Cayote sa harap ko."Sakay na."
Nakita kong umangkas na rin si Aly sa motor ni Clavius. Tumango ako at ganoon na rin ang ginawa. Humawak ako sa balikat niya pagkatapos. Bumusina ang mga kasama nila at nauna na. Kumaway ako sa kanila lalo na kay Aly.
"Humawak ka."
"Nakahawak na." sagot ko.
Nilingon ako nito na salubong ang kilay. "Gusto mo bang pulutin na lang sa ibaba mamaya?"
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...