Chapter 3

163 131 58
                                    

BASKETBALL

“Wala kang sasakyan?

Takang tanong niya nang madatnan niya ito sa labas ng gate ng school nila at nag-aabang ng masasakyan.

“Ang bagal mo maglakad.” Imbes na sagot nito.

Sadyang binagalan niya ang paglalakad para hindi sila magsabay at baka kung ano ang isipin ng mga estudyante sa kanila. Umiiwas siya sa pwedeng masamang mangyari.
Kumunot ang noo niya ng pumarada ang isang tricycle sa harap nila.

“Saan kayo boss?”

“Centro. Sa covered court.”

“Sige, sakay na.” ani ng driver.
Nilingon siya ni Sayote at sumenyas na pumasok na sa tricycle na hindi niya alam kung safe ba talaga.

“Pahatid na lang tayo sa sundo ko.” Aktong magtatawag siya  ng higitin siya ng lalake pabalik.

“Wag ka nga maarte. Pasok ka na nag-aantay na yung driver o.”

Sinulyapan niya ang driver na matiyagang nag-aantay sa kanila.
She sighed.

Labag sa loob na pumasok siya. Lima ang pwedeng makaupo sa tricycle na iyon dalawa sa harap at likod isa sa likod ng driver. Pumwesto siya sa gitna ng upuan sa harap nun at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

“Ano pang ginagawa mo diyan? Nag-aantay na si manong o.”
Masungit niyang sabi saka minuwestra si manong na hindi niya alam bakit sa kaniya nakatingin e dapat dun sa epal na umiiling sa kaniya ngayon.

“Usog.”

“Ano?”

“Tsk.”

Nanlaki ang mga mata niya at napaatras na lang din ng bigla na lamang itong pumasok at nakipagsiksikan sa tabi niya. Bago pa man siya makaangal ay umandar na ang sasakyan.

“B-bakit ka dito sumakay! Pwede naman sa likod masikip na dito.” Halos idikit na niya ang sarili sa bakal na nasa gilid para lang wag dumikit ang katawan nilang dalawa.

“Masasakyan pa yung likod ng ibang pasahero. Gusto mo bang kung sino na lang makatabi mo mamaya?”

“H-hindi.”

“Good. Hindi rin ako papayag.”
Hindi niya narinig ang sinabi nito dahil sa ingay ng motor saka sa lakas ng hangin na pumapasok.

Ilang minutong ganun sila hanggang sa may tinahak na malubak na daan si Manong dahilan para mapakapit siya sa uniform ni Sayote. Patay malisya siya at hindi ito nilingon kahit na alam niyang nakatingin ito sa kaniya ngayon.

Napangiwi siya ng mabangga ang ulo niya sa kisame ng tricycle. Mataas siya kaya tumatama iyon pag nasa lubak sila. Aktong kikilos siya ng maramdaman niya ang paggalaw ng lalake sa tabi niya. Ipinuwesto nito ang isang braso sa likod ng sandalan niya at pinatong nito ang palad sa taas ng ulo niya para pigilan ang pagtama ng ulo niya doon.

“T-thanks.” Bulong niya.

Mukhang sanay na ito sa pagsakay sa tricycle kasi mukhang hindi ito nahihirapan sa pwesto ngayon. Kung tutuusin mas mataas ito sa kaniya pero parang hindi ito nahihirapan. She giggled when she saw his long legs.

“Eto lang ginagawa ko pero kinilig ka na diyan?”
Imbes na maasar, ay nginitin niya ito.

“Ang haba kasi ng paa mo.” Turo niya sa paa nito.

“Hindi lang yan ang mahaba sakin.” Bulong nito saka iniwas ang tingin.

Pinamulahan siya dahil kahit mahina iyon hindi parin iyon nakaligtas sa pandinig niya.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon