Chapter 9

112 80 2
                                    

Night with him

Nilibot niya ang tingin sa pinagdalhan sa kaniya ni Cayote. Hindi nga iyon kalayuan sa kanilang school. Lalo siyang nagutom ng maamoy ang usok na galing sa pagb-barbeque. Medyo nagulat siya ng dalhin siya nito sa ganoong kainan, malinis naman ang lugar, open din iyon kaya hindi nakakasoffocate ang usok na galing sa sinusugba ng mga tindera sa harap.

"Alam mo bang ang weird nito?"

Huminto ang lalaki sa paglagay ng plato sa harap niya at inangatan siya ng tingin.

"Hmm? Paanong weird?"

"Kasi hindi naman tayo close pero nandito tayo ngayon at magkasamang kumakain."

"So? Ano naman? Magkakilala naman tayo."

This guy. Napailing siya.

May lumapit na tindera sa kanila. "Heto na ang order niyo, Cayote."

And she even know him. Nung pumasok sila kanina may bumati ding nagse-serve sa lalaki.

"Salamat Ate Wenna." nakangiting tinanggap nito ang order nila na nakatuhog pa sa stick.

"Sabihin niyo lang pag may gusto pa kayo." ngumiti siya sa babae ng sulyapan siya nito.

"Yung sabaw lang namin, ate."

"Sige, ipapadala ko agad."

Nagthumbs up si Cayote. Inabante nito ang ulam sa kaniya. "Oh, kain na."

"Tatakbo ka bang mayor?" tanong niya.

"Ha?"

Dumampot siya ng hita ng manok at nilagay sa pinggan niya. "Ang dami mong kakilala e. Kahit saan ka ata magpunta, may kakilala ka. Iisipin ng lahat nangangampanya ka."

Nagulat siya ng biglang tumawa ng malakas si Cayote. Napatingin sa kanila ang ilang kustomer na malapit sa kanilang mesa.

"Joker ka din pala."

Seriously?

"Wala akong balak na tumakbo pagkamayor. Friendly lang talaga ako."

"You can try. Baka palarin ka." kibit balikat niya. Who knows?

Napakagat ito ng labi, sinusupil ang ngiti habang nakatingin sa kaniya.

She raised her brow to him. Umiling ito na may ngiti parin sa labi at nagpatuloy sa pagkain.

"Isawsaw mo dito." tinuro nito ang ginawa nito na sawsawan.

May toyo at suka yun at saka sili. Gusto niya sanang gumawa ng sariling sawsawan kanina pero isa lang ang nakita niyang platito kaya hinayaan niya na lang ang lalaki. Nagkamay na din siya kasi siya lang ata yung may kutsara at tinidor.

"Hay, wag ka maarte." kinuha nito ang kamay niyang may ulam at walang habas na isinawsaw iyon doon. Her lips parted. "Masarap yan, tikman mo."

Sinamaan niya ito ng tingin pero nginisihan lang siya ng lalake. "Hindi mo kelangang gawin yun. I can do it myself!"

"Ang tagal e. Hindi na mainit yang kanin mo mamaya."

She irritably sighed. Dumating ang sabaw na hinihingi nito. She watched how he took a sipped and nodded afterwards na tila ba nagustuhan nito ang lasa.

"Walang palya! Laging masarap kahit sabaw niyo lang dito Ate Wenna!"

Tumawa ang babae. "Naku, ikaw talaga Cayote! Sige na iwan ko na kayo." tumalikod na ito.

Siguro kung pakakainin mo to ng kahit anong pagkain, kahit hindi masarap sasabihin nitong masarap.

Pinaypay niya ang sarili ng makaramdam ng init. May electric fan naman siguro dahil sa maanghang na sawsawan nila. Medyo napaparami rin ang kain niya. Masarap kasi talaga ang pagbarbecue ng mga to. Nagpahabol pa si Cayote kanina ng ilang stick ng karne ng baboy ng makita nitong paubos na ang ulam nila. Pwede niyang dalhin dito si Sasha o si Maggie. Hindi nga lang niya sigurado kung magugustuhan ng kapatid dito.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon