Chapter 24

40 4 2
                                        

“We all know how much you prepared for this presentation, iha.”

Sabay na tumango ang mga guro na nakikinig na lang sa masasabi ng ibang miyembro ng panel. “Nakita namin iyon sa papel mo at pagsagot sa mga naging katanungan namin kanina.” ani ni Mrs. Neyrma ang chairman ng examining committee.

“Maraming salamat po.”

Gumaan ang pakiramdam ko sa pagbati nila sa papel ko. Kahit papaano nasagot ko naman ang ilan nilang katanungan patungkol sa papel ko.

“Alright. I think that's all?”inatras na nito ang upuan bilang senyales ng pag-alis. “We wanna see your revise paper by next week. Good job Miss Santiago.”

Nagtayuan na ang lahat at nag-umpisang kipkipin ang gamit. Binalik nila sa akin ang papel na may mga komento at pagtatama nila bago tumalikod.

“Good job, kate!” nakangiting tinapik ako ng aking adviser na si Mrs. Elaine.

“Salamat din po maam.”

“Pag natapos mo to ngayong semester mas makakafocus ka sa on the job training mo. You just have to enroll research II next sem. Pwede mo din namang dahan-dahanin, well it's up to you pero alam kong mahirap pagsasabayin ang ojt, research mo at may org ka pa kaya mas mabuting tapusin mo na to para wala ka nang problema pa.”

“Naisip ko na din po iyon.”

Nakarinig kami ng tawanan sa labas na ikinatigil namin.

“Ang supportive mo naman iho. Girlfriend mo na ba si Miss Santiago?”

“Hindi niyo ba nakita yung instagram post niya nung nakaraan mga ma'am?”

“Uy, nakita ko iyon. Pinakita nung isang estudyante ko pero ayokong maniwala kasi ang layo ng ugali ng dalawa.”

Nanlaki ang mga mata ko. Humagikgik naman si Maam Elaine at naglakad papuntang pintuan para sumilip. Gusto kong umatras pero hawak ako ni Maam. Elaine kaya pati ako ay kasama niya palabas.

Nadatnan namin si Cayote na pinapalibutan ng mga guro. Inaakbayan ito ni sir Ed na malaki ang ngisi sa pakamot-kamot sa ulo na Cayote.

“Andito na ang girlfriend!”

Umiling ako at nahiya.
“Hindi po.”

Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Cayote sa akin tila nanghahamon. Mamaya ka sa akin.

“Ay hindi pa ba? Galingan mo pa kasi Cayote!”

Tumawa naman ang ungas. “Ang sungit po kasi.” tila nagpapaawa ito sabay sulyap sa akin. “Kakabati nga lang namin kanina.”

“Naku! Ganiyan talaga kaming mga babae. Sa pagsusungit namin naitatago ang kilig namin pero hindi naman bato tong si Kate para di kiligin no.”

“Miss Santiago, wag mo nang patagalin pa. Mabait at responsable naman itong si Mr. Eliseo. Sagutin mo na.”

Hilaw na tumawa ako. Lahat sila nakangiti at pinapanood ang reaksyon ko. 

“Wag niyo ngang pangunahan. Hayaan niyong kilalahanin muna nila ang isa't isa.” saway ng isa.

“O, siya! Tama na. Alis na nga tayo may tatapusin pa akong trabaho sa opisina.”

Nagtawanan muna sila bago nagyayaan na umalis. Yumuko ako at nagpaalam. Nang makalayo ang matatanda ay tumikhim ang katabi ko.

I then heard him whistle. Tinalikuran ko siya. Parang alagang aso na bumuntot naman ito sa akin.

“Wala ka bang klase?” pag-iiba ko ng usapan.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon