Chapter 10

109 66 2
                                    

Sa sumunod na araw ay naging abala siya sa kaniyang papel. Hindi na naulit pa ang paglabas nila ni Cayote. Minsan nagka-kasalubong sila sa school tapos mag-aasaran pero hanggang dun lang yun. Araw-araw naman itong nangungulit sa kaniya at walang palyang pagse-send ng mga jokes nito na hindi niya alam kung saan nito nakukuha. Tulad na lamang ngayon,

From Sayote:

["Saan ginagawa ang uling?]

Natigil siya sa paghahanda ng sandwitch sa kusina nila ng mabasa ang text nito.

"Ano na naman to? bulong niya.

"Ang alin iha?" Binalingan niya si Nana na nagluluto na ito ng agahan ng pamilya nang narinig nito ang tanong niya.

"Wala po." ibinaba niya ang phone sa mesa.

To Cayote:
["Malay ko."]

"Antayin mo na lang kasi itong niluluto ko. Saka ginising mo sana si Nikki para natulungan ka diyan."

"Wag na po, Nana. Okay na to. Patapos na rin naman." sabi niya at pinagpatuloy ang paglalagay ng palaman sa tinapay. Hinati niya iyon ng patriangle at sinilid sa malaking baunan na nasa mesa. Tatrabahuin niya ang papel ngayon. Magka-conduct siya ng survey sa mga respondents na kasali sa study niya kaya siya naghahanda ngayon. Medyo may kalayuan at labas sa bayan ang participants niya kaya mas pinili niyang weekend na lang gawin. Iyon lang din kasi ang available ng mga ito.

"Yung box ng juice po ba nasa sasakyan na?"

Muling umilaw ang phone niya.

From Cayote:
[Kj mo. Edi sa Coal center! Hahaha!"] okay.

"Oo. Pinahatid ko na kay Danny sa kotse. Ayaw mo ba talagang magpahatid hanggang sa highway lang? Medyo mabigat yun hindi ko alam kung kakayanin mo bitbitin."

Nginitian niya ang matanda. "Kasama ko naman po si Maggie."

She asked for her friends help. Alam niya kasing mahihirapan siya, kahit pag assist lang ang gawin nito. Buti na lang at pumayag agad ito.

"Mabuti naman kung ganoon. Saan na ba siya? Ang akala ko ba ay maaga kayo? Mag-aalas syete na."

"She texted earlier, sa school na lang daw po kami magkikita."

Ipinasok na niya sa eco bag ang baunan at binitbit na ang envelope na naglalaman ng mga questionnaire. "Alis na ako, manang."

"Hala, mag-ingat ka lalo na at sabi mo wala doon signal."

"Si Nana naman parang hindi sanay."

Isa sa mga gusto niya sa kurso niya noon ay dahil labas sila ng labas. Hindi para gumala kundi para magcommunity service. Kung saan saan sila nakakaabot, they do gardening in a specific baranggay, conduct feeding program, seminars, story telling and some extension works. Noon pa man, gusto na niyang magserve sa community. She loves being with the community.

"Aalis na po ako."

Muling tumango ang matanda at hinatid siya ng tingin hanggang sa makalabas ng kusina. Nagpahatid siya kay Mang Danny sa eskwelahan niya. Hindi na siya pumasok at inantay na lamang si Maggie sa labas. Magko-commute lang kasi sila.

She tried to call Maggie pero hindi ito sumasagot. Tinext na lang niya ang babae at sinabing nasa gate na siya. Napatalon siya ng biglang may humawak sa kaniyang braso. Her face brightened. "Maggie!"

Yumuko ito at naghabol ng hininga. "Kate."

"Ano, tara na?"

Tulad niya ay nakacivilian din ang babae. She's wearing a jacket at nakarubber shoes.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon