"Nabanggit ni Manang na pumunta kang Pacao nung sabado, kate."Naiwan sa ere ang gagawin niyang pagsubo sana ng biglang magtanong ang papa niya.
"Opo."
"Wala kang nababangit sa amin."
Sumulyap siya sa mama niya na tahimik na kumakain.
"I did. Sinabi ko po sa inyo nung thursday ng gabi."
"Hmm." Her father looked at her. "Siguro nawala sa isip ko."
"How was it?" umangat ang ang tingin ng mama niya. "How was your paper?"
"It was fine. Nakapagtally na po ako at nakapagdraft. My statistician done her part too. Nasa critique ko na po ang kopya. Makukuha ko yun mamaya. I'll do some revising."
"That's great. Though, your progress is still slow."
Napayuko siya. Alam niya na kasi ang magiging kasunod nun. "I hope walang nagi-interfere na matapos mo agad yun."
Alam niya ang gusto nitong ipaabot.
"I went out last night, I saw her doing her paper and some stuff. Wag kayong mag-alala ma. Hindi naman siya nagbubulakbol."
Medyo nagulat siya ng sumabat si Sasha. She's usually quiet when having their breakfast.
"May mga estudyanteng kahit hindi nagbubulakbol, bagsak parin Sasha."
Sasha shrugged. "Not my problem."
Mabuti na lang pumasok ang assistant ng Papa niya kaya naputol iyon. May binulong ito sa ama niya. Tumango ang huli, bago lumipat sa kanila ang tingin.
"Maga-out of town nga pala kami ng Mama niyo. May aasikasuhin kaming negosyo, we'll be back on Friday."
Tumango sila. Nang sulyapan niya ang kapatid ay kumindat ito sa kaniya.
"Ayokong makarinig ng anumang gulo, habang wala kami. Stick to the rules."
"Yes pa."
Nagcommute lang silang magkapatid papuntang school nila. Ipagmamaneho kasi ni Mang Danny ang mga magulang nila. Malaki ang ngiti ng kapatid niya habang papasok sila ng gate.
"Sasha."
"Alam ko na ng sasabihin mo."
She heaved a sighed.
"I wont cause trouble." itinaas nito ang kamay.
"Siguraduhin mo lang."
"Kitakits sa bahay!" kumaway ito at lumiko sa building nito.
Sa tuwing nangyayaring wala ang mga magulang nila, yun lang ang time nila na nagagawa ang gusto. Walang matang nakatingin. Kaya ganoon na lang kasaya ang babae. Growing up with their family rules is not fun at all.
Pakiramdam niya lumulutang siya sa araw na iyon. She feel so tired. Ilang oras lang ang itinulog niya dahil tinapos niya ang akdang aralin sa mga major subject niya.
Yung inireview niya nang isang oras kagabi sa Anthropology, sinagot niya lang ng ilang minuto kanina sa quiz. Punong puno na yung utak niya sa pag-aaral.
At ngayon kailangan niyang gawin tong thesis niya.
“Maggie, hindi na muna ako pupuntang club room. May dalawa pa akong tatapusin.”
“Sige, walang problema.”
“Pupunta rin ako mamaya doon.”
“Tapusin mo na muna yan. Wala din naman gaanong ginagawa doon ngayon.”
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...