Eat and run
Maluha-luha siya sa kakatawa habang nanonood ng 2gether the series dahil kay green habang nasa SCC mini plaza sa harap ng Admin building nila ng hapong iyon, ng may biglang tumabi sa kaniya at nakitawa din.
Her brows forrowed. Pinigilan niya ang sariling tusukin ang mga mata ni Cayote ng makitang nanonood din ito sa cellphone niya.
Inilayo niya ang cellphone at pinatay. “Teka, nanonood pa ako e.” reklamo nito.
Pagak na tumawa siya. Bakit ba lagi silang nagkikita ng isang to lately?
“Anong ginagawa mo?”
“Nakikinood, nakikiupo.”
“Ang daming space bakit dito?” tinuro nya ang parihabang sementong upuan na nakapalibot sa gitna ng mini plaza.
Maraming nakatambay na estudyante dahil malapit na uwian. Karamihan senior high ang nandoon inaantay ang gate na bumukas para makauwi na.
“Kasi dito ang gusto ko.”
Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero pinili na lamang niyang itikom at lumayo ng upo dito. Pero sumunod din ito kung nasaan siya. Bumuntung-hininga siya at irritable na.
“Okay. Let’s cut this. Anong kelangan mo?”
“Paano mo nalamang may sugat ako?” itinaas nito ang nakabandage na kamay.
Napaghandaan na niya iyon. Alam niyang malalaman nito yung tungkol sa clinic. “Nakita kita kahapon papalabas ng café. You’re hand was bleeding. As a concern citizen dahil alam ko namang may paparating kayong laban, I ask the clinic for medicine. Yun lang naman.”
“Thanks. Sabi na may tinatago kang kabutihan diyan sa puso mo e.”
“I’ll take that as a compliment.”
“Wala ka ng klase?”
“Obviously.” Ayaw pa niyang umuwi kaya tumambay siya doon. Nag-attendance lang kasi sila kanina sa isang subject tapos pinalabas na.
“Sakto! Gutom na ako.”
“Oh, tapos?”
He grinned. “Tara sa labas. Libre kita ng fishball o anong street food na gusto mo.”
“No, thanks.” Ang cheap naman ng gulay na to! Isip niya.
“Tara na kasi.” Tumayo na ito at kinuha ang libro niya na nasa tabi.
“Si Eliseo ba yun?”
Pinagtitinginan na sila ng mga kapwa estudyante nila. He’s making a scene. Dagling umiwas siya ng tingin at tumayo na.
“Tara na nga!” nahihiyang hinila niya ang manggas ng uniform nito at mabilis na naglakad paalis.
Natatawang sumunod naman ang lalake sa kaniya na tila aliw na aliw. “Bwiset ka.” aniya ng makalabas ng gate.
“Arte pa kasi.”
Inakbayan siya nito, nagpumiglas siya pero hindi parin siya nakawala. Sa labas lang ang street food na nakahanay sa gilid ng school nila. Hinila siya nito sa may nagpiprito. Pinasadahan ng mata niya ang mga pagkain na nandoon. May kikiam, isaw, hotdog, fishball at iba pa.
“Kaya pala nahuli ka! Dinaanan mo pa tong si Miss Collegian.”
Nagulat pa siya ng mapansin ang dalawang lalaki na lagi nitong kasama. Nandoon din pala ang mga ito hindi man lang niya napansin.
“Pakakainin ko lang. Ang payat e.”
“Payat din ako. Sixty-two ang lang ang bigat ko ngayon. Baka naman pwedeng ambunan mo ako.”
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...