Chapter 27

29 2 0
                                        

"Grabe tong si Cayote. Hulog na hulog na talaga sayo."

Pinakita ni Maggie ang instagram post ni Cayote nung nakaraan. Tadtad na iyon ng komento galing kaibigan at kaklase ng lalake.

It was a blurred photo of us. The one he took that night. May caption iyong "Lowkey muna. Baka sungitan tayo.🙃"

I told him to take it down but knowing Cayote... Isa pa kahit ideny ko iyon sa paaralan, maraming nakakaalam na nanliligaw siya sa akin kung kaya hinayaan ko na lang siyang magpasikat. Blurred din naman. Though I got teased by some because they knew it was me. What's the reason to deny anyway?

"Hindi ko sila nakitang nagpa-enroll a." lumingon ang kaibigan sa paligid.

Nasa registrar kami ngayon at nakapila para makapag-enroll na ng last semester. It was our schedule to enroll though it started yesterday.

"Tapos na sila kahapon. Naghahanda na sila para sa on the job training."

"Huh? Ang bilis naman."

"We should do that too."

Ang bilis na dumaan ng mga araw ngayon. If we don't use our time wisely we might be left behind.

"Nae-excite na akong makagraduate pero naiisip ko din kung five years from now ba excited parin ako habang nasa trabaho na."

"Maybe yes..."

"Or maybe not!" dugtong ng huli. "Hay!"

Natawa kami pareho.

"Let's just take it slow."

"Oo nga."

Hindi namin alam kung saan kami dadalhin sa kasalukuyan pero alam kong tulad ko kakayanin din nito.

"Thank you po."

Nginitian ako ng registrar na nagstamp ng enrolled sa papel ko. Dalawa lamang ang natitira kong subject sa huling semester na to. Research at ang on the job training. Parehong importante na maipasa ko. Though patapos na din naman ako sa papel ko.

Kung tutuusin napakarami kong oras. Minsan lang din ang magiging meet up namin sa research II twice or once a week lang at magkikita lang para macheck ang progress ng papel namin. Most of our time will be spend consulting with our adviser and the rest will be spending on my ojt. Mas okay na matapos ko ang una para wala na akong isipin pa at makapag focus.

"Uuwi ka ba agad?" tanong ni Maggie habang pababa kami ng hagdan.

I was typing a message for my sister when she asked me.

"Hindi pa. Magkikita kami ni Cayote. Aantayin ko lang siya."

She grinned. "Ayiee. Kinikilig ako sa inyo ano ba! Kailan mo ba balak sagutin yun? "

"Uhm,.. "

She snapped her fingers in front of me.

"Hindi ka required sumagot. But just to remind you na ilang months na lang na magkakasama kayo dito sa school. After graduation, you will both work separately, meet new people and will not see each other often. Hindi ka ba nag-aalala na baka makakilala yun ng iba?"

Naisip ko na iyon pero,
"If he's really into me, his feelings won't change."

"Oo nga naman. Mabait naman si Cayote. Kahit ganun yun kakulit nakikita ko namang sincere siya sa panliligaw sayo."

"Ang totoo niyan, balak ko na siyang sagutin."

Napahinto si Maggie sa paglalakad at hinawakan ako sa balikat.

"Talaga ba? "

Tumango ako.

Tumili ito at masayang niyakap ako.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon