"Ihahatid ka na namin Kate."Nagulat siya sa sinabi ni Aly nang papalabas sila ng Plaza. "No, it's fine." agad na tanggi niya.
"Pero wala kang sundo hindi ba?"
"Sumabay ka na sa kanila Kate. Kina Judas ako sasabay. On the way lang naman yung samin." maggie said.
Hindi niya alam kung kelan pinakuha ni Jude ang sasakyan nito kanina habang nasa gitna ito ng laro. Basta may lumapit na lang na lalaki dito at ibinigay ang susi.
"Okay lang ba kay Clavius?" alanganin niyang tanong.
A warm smile curve in Aly's lips. Yumakap ito sa braso niya at hinila siya papuntang sasakyan. "Siya nga ang may sabi kaya wag ka nang mag-alala pa."
"Okay..."
She bid goodbye to Maggie and Max na pumasok na rin sa loob ng sasakyan ni Jude. Nahuli ang mga lalaki dahil nagbihis pa ang mga ito. As expected, they won the game and Max was so happy malaki ang kinita nito sa gabing yun.
Binuksan niya ang passenger seat at naupo. Of course, Aly took the front seat because she's the girlfriend.
"Ang sakit ng lalamunan ko kakasigaw."
Hinanap ng mata niya ang mineral water at inalok iyon sa babae. Isang beses lang naman niyang ininuman iyon kaya hindi pa nangangalahati ang bawas. "May tubig pa ako dito."
Lumingon ito sa kaniya at umiling. "Naku hindi na. Meron pang natira nitong sakin dito."
Tumango siya at ibinalik iyon. Nalipat ang parehong tingin nila nang bumukas ang pintuan ng driver seat at pumasok si Clavius. Tipid na ngumiti siya nang sumulyap ito sa likod, he just slightly nodded and looked back at Aly.
"Nasaan ang gamit mo?"
"Nasa likod na." he then started the car. "Seatbelt niyo." he reminded.
"Okay na." magkasabay na sabi nila ni Aly.
Umatras ang sasakyan nila para umalis kita niya mula sa bintana ang papasok na sila Adrian at Cayote sa kabilang sasakyan. Mukhang may sinabi si Adrian kay Cayote na ikinahinto nito sa pagpasok. Gumalaw ang ulo nito papunta sa sasakyan ni Clavius. Napakurap siya nang dumako ang tingin nito sa passenger seat kung saan siya nakaupo. Kahit alam niyang hindi siya kita sa loob parang nakatingin parin ito sa kaniya. Magkasalubong ang kilay nito then he mouthed something to him.
Nanlaki ang mga mata niya nang tumakbo ito para habulin sila.
"W-wait!" pigil niya kay Clavius.
“Bakit kate?”
Itinuro niya ang lalake sa labas.
"Oh teka, si Cayote, Clavius!" pinigilan ni Aly ang boyfriend.
Agad na hininto ni Clavius ang sasakyan at nilingon ang kaibigan sa labas. "Sabi na hahabol e."
Kumunot ang noo niya sa narinig. Magtatanong sana siya kung ano ang ibig nitong sabihin pero natigil nang biglang bumukas ang pintuan sa side niya at pumasok si Cayote.
Nagtama ang tingin nila. His lips are a bit parted. He exhaled. Padabog na naupo ito sa tabi niya at kahit malaki naman ang space ay wala sa sariling napaatras parin siya.
"Cayote sasabay ka pala dito? Muntikan ka na maiwan." tanong ni Aly.
Tumango lang ang katabi bago sinamaan ng tingin mula sa salamin si Clavius na napapailing ngayon at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Puno na kasi sa kabila."
"Huh? Pero diba -"
Clavius hold Aly's hand. "Just let him."
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...