It was weird. The whisper and the stares of some students in their school nang pumasok siya sa paaralan noog dumating ang Lunes.
Akala niya nung una wala lang pero nung magpatuloy yun matapos niyang makatap ng ID sa machine at maglakad sa pathway papuntang building nila ay naconscious na siya. Chineck niya ang uniform niya kung may mali ba o kung may dumi ba sa mukha niya pero wala naman.
Then why are they looking at her like that?
“Siya yun diba?”
“Oo sis. Sabi nung kaklase ko siya e.” anong meron sa kaniya?
“Ang swerte naman!” kinikilig na sabi nung kasama ng babae.
Binilisan niya ang paglalakad para marating na niya ang room nila. Hindi niya alam kung anong meron. The heck. Wala siyang natatandaan na ginawa nung Friday.
Kokonte pa lang ang tao sa room nila ng makarating siya. Tinungo niya ang upuan at malalim na nag-isip. Ilang sandali pa may sumundot sa kaniya mula sa likuran.
“Congrats!” malaki ang ngiting bati ni Jonah.
“Uh, thanks?” confused niyang sabi.
Nagusot ang mukha nito sa naging reksyon niya. “Bakit ganiyan reaksyon mo?”
“Naguluhan kasi ako. Para saan yung congrats?”
“Di mo nakita?”
“Ang alin? Alam mo bang weird ng mga tao sa school. Tingin ko pinag-uusapan nila ako.”
“Sinong hindi pag-uusapan nito? Tingnan mo.” iniharap nito sa kaniya ang phone.
Nakabukas ang instagram ng babae at nang tingnan niya kung sino ang sinearch nitong profile ay napakunot noo siya. It was Cayote Eliseo instagram.
“Ayan tingnan mo.”
Tinuro nito ang latest post ng lalaki. Iyon ang kinunan niya nung sabado. Yung nagpakuha ito ng litrato sa kaniya habang hawak ang kawayan ng Ferry. Nagswipe pa si Jonah, at napunta iyon sa ikalawang picture.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang sarili doon. Sa picture makikita yung magandang view ng malawak, mabato at malinis na ilog. Sa pinakagilid ng picture nandoon siya, nakasimangot. Hindi diretsong nakatingin sa camera kundi sa taong kumukuha nun. Hindi niya alam kung sinadya ni Cayote na isali siya sa litrato o nahagip lang talaga siya.
Pero natatandaan niya yan yung time na pinapatigil niya ito kakakuha ng litrato kasi nakakahiya sa ibang pasahero. Kulang na lang iuwi nito ang Mini Ferry at gawing laruan.
“Ikaw yan diba? Ang alam ko rin nagpunta kang Paco nung Saturday.”
“Ang ganda ng view.” iyon ang caption ng lalaki na umani ng libong hearts. Nakita niyang may komento ang tatlo nitong kaibigan doon.
judethesaint: Mukhang ihahampas na sayo ni Kate yung hawak mong kawayan. 😂
Maxine replied to judethesaint
Maxine: Roar.JustAd: Lodi. Para-paraan tayo.
Maxine: Aling view?
Clavius: Nice.
Magimme: Omg! My ship is sailing!
Maggie! Isa pa to.
May ilang kaklase siyang nagme-mention sa kaniya sa comment. Inis na ibinalik niya ang phone kay Jonah.Minsan lang siya nadadalaw sa instagram niya kaya wala siya kaide-ideya na ganun na ang nangyayari. It was posted yesterday. Ang dami nang nakakita. My goodness. Kaya ganun na lang siya tingnan ng ilang studyante.
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...