"Nasaan ba kasi ang kuya ko?"
Naialis niya ang tingin sa numero ng elevator na nasa harap nang marinig ang tanong ni Carol.
Yumuko siya para matingnan ito pero diretso lang ang tingin ng bata sa harap kung saan kita ang reflection nilang dalawa dahil sa salamin na pintuan ng elevator.
Her arms are crossed at nakasimangot ito.
"Nasa school pa nga." mahinahon niyang sabi.
"Kung ganun bakit ka nandito? You should be in school too. I wanna spend time with him not to you." suplada nitong sabi.
Napangiwi siya. Attitude talaga nitong batang to.
"Kelangan ng kuya mong mag-attend sa practice nila kundi mapapagalitan siya ng coach nila. Alam mo ba ang mangyayari oras na hindi siya nakasama doon?"
She shrugged. "Obviously not."
Kalma ka lang kate. Wag mong papatulan bata yan. Ikaw ang may gusto nito.
Ngumite siya sa bata kahit pakiramdam niya ngumingiwi iyon. "Magsyo-shoot at tatakbo siya ng maraming beses sa loob ng gym. Maglilinis siyang mag-isa. Your brother will surely get tired. Pwede siyang magkasakit."
Sandaling natahimik ang bata. Humawak ito sa strap ng bag bago siya tiningala. "So? Why are you so concerned about him? May gusto ka ba sa kuya ko? Kaya mo ba ginagawa to?"
Napaatras siya sa biglaan at magkasunod nitong pagtatanong.
"N-no." iyon lang ang nasagot niya.
"Hindi mo siya gusto?"
Tinitigan siya nito sa mga mata. Napakurap siya.
"I like him as-"
The elevator door opened. Senyales na nasa tama na silang palapag. Parehong napunta ang tingin nila doon.
"Hmp!" irap ni Carol sa kaniya saka patakbong lumabas. Iniwan siya nito sa loob.
"... as a friend." pagpapatuloy niya kahit malabo nang marinig iyon ng bata.
Bago pa man muling sumara ang elevator ay lumabas na siya. Sinabi sa kaniya ni Cayote ang number ng apartment nito saka ang pin bago umalis kanina sa school. Pero mukhang hindi na niya iyon kailangan kasi alam na alam iyon ni Carol.
He told her to just wait inside his apartment. Alam nitong matigas ang ulo ng kapatid at baka takasan siya kung dalhin niya kung saan kaya sa mismong apartnent na lang nito siya pinadiretso.
Carol stop at the right door and quickly type the pin. Tumunog iyon saka bumukas. Lumingon ito sa kaniya bago dire-diretsong pumasok ito at isinara ang pinto kahit na hindi pa siya nakakapasok.
She sighed and type again the pin. Muling bumukas iyon at bumungad sa kaniya si Carol na magkasalubong ang kilay. Nakatayo ito sa harap ng pinto na tila inaabangan siya.
Sinara niya ang pintuan. "Bakit mo alam ang pin ng apartment ng kuya ko?" para itong manlilitis sa oras na iyon.
"Kasi sinabi niya?"
"He did?"
Tumango siya at naglakad papasok. Unang beses niya doon kaya hindi niya napigilan ang sariling ilibot ang tingin.
His place is clean and minimal. There's only one couch sa harap nito ay ang isang glass table and a flat screen tv. May nakikita siyang dalawang kwarto na naroon sa tabi one of those was surely his room. May malaking orasan na naka install sa pader malapit sa kusina nito na bumabagay sa minimal vibe ng lugar. Mga numero lang ang nandoon at ang gumagalaw na kulay ginto nitong kamay.
BINABASA MO ANG
Lovebug Again
RomanceThey said, mother knew what's best for their child. Kaya all along, hinayaan niyang diktahan ng ina ang buhay niya. But during her last year in College, Kate never thought she would met and later on fall for an annoying, carefree and handsome sporty...