Chapter 17

46 11 1
                                    

“Tungkol nga pala kagabi...”

Muling tumahip ang kaba sa dibdib niya sa binanggit ni Cayote. Sakay sila ngayon ng elevator para ihatid siya nito palabas. Nakatulog na si Carol kaya hindi na ito nakasama. She insisted not to drive her home dahil tinext siya ni Mang Nanding kanina na nakauwi na ito ang mga magulang niya. And he was waiting outside the building.

“Uh...”

Bakit pa kelangan nitong magsalita? Ayan tuloy mas lalo siyang naging hindi komportable.

“I know you felt uneasy about it. Pero gusto kong sabihin na... kaya kong mag-antay.”

Hindi niya napigilan ang sariling tingnan ito. Nilabas nito ang kamay na nasa bulsa kanina at hinawakan ang kamay niya. Nagkagulo ang paru-paro sa tiyan niya sa ginawa nito.

Pareho silang nakatingin sa magkahugpong nilang mga kamay ngayon. Kabado siya at baka nanlalamig ang kamay niya ngayon.

“I will wait. Hanggang sa pwede na.” sabi nito saka tiningnan siya sa mga mata.

There was something in his words that made me nod. Pinisil nito ang palad ko at ngumiti. Yumuko ako at napangiti na rin.
Lumabas kami sa elevator na magkahawak ang kamay at nakangiti.

“Wag mo na akong iiwasan.”

Natigilan ako. Kung ganun alam nito.

“Bakit naman kita iiwasan?”

Tumaas ang kilay ni Cayote saka tinusok ang pisngi ko.

“Hindi ka magaling sa pagtatago.”

“Nakita mo ako sa tricycle?”

“Of course. I know your sister. Kaya alam kong ikaw yung nagtatago sa likod niya kanina. Nakita din kitang umiwas nung magkakasalubong sana tayo sa hallway ng Science building at sa gym.”

Napanganga ako.

“Ini-istalk mo ako!” she exclaimed.

“Asa ka.”

Nagsalubong ang kilay ko at sinubukang tanggalin ang kamay, but he didn't let me.

“Pikon.” he mocked. “Nakausap ko si Sasha. She said you're still not allowed being in a relationship because of your mother.”

Nagkausap sila?

“Kelan kayo nagkausap?”

“Kanina bago ko ihatid si Carol pauwi. Nakasalubong ko lang siya. Then out of the blue, she said that to me.” mahina itong natawa. “Magkapatid nga kayo.” ngisi nito.

Ang kapatid kong yun. Humanda siya mamaya pag-uwi.

“My mom wanted me to focus in my studies.” mahina kong sabi.

Tumango ito. “Alam ko, kaya nga sabi ko aantayin kita.”

Ngumuso ako at tumahimik na lang. Ang weird kasi na biglang sweet ito. But it was a nice feeling. Gusto niyang tumagal ang pakiramdam na iyon sa kaniya.

“Thank you, kate.”

Tipid na nginitian at tinanguhan niya si Markus saka inabot ang mineral water.

“Tss.”

Inis na nilingon niya si Cayote, Kanina pa ito nakabusangot at bulong ng bulong sa tabi niya. Pawisan ito at may twalya na nakasabit sa leeg.

“O, tubig mo.”

Matalim ang tingin nito sa tubig na inaabot niya.

“Para kang bata diyan na nagmamaktol.”

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon