Simula

24 11 1
                                    

Simula

Nadala ako sa tuwa at balak na sana na magpatuloy nang mapapikit ako sa inis ng bumangga ako sa isang sasakyan na halatang mamahalin. Akmang aalis na ako ng bumaba ang may ari nito at mabilis na lumapit sa likuran ng kotse.

Porsche. Tsk.

"Ano ba naman 'yan! Ang baby ko?!What the! What the fucking hell!" puno ng panghihinayang ang boses niya at inis.

Kinapa niya pa ito at napapadyak. "My goodness! Why me bago pa lang' to! Anak ng tinapa kasi bakit hindi ka nagiingat ha?! Alam mo ba na pinagiponan ko 'to."

Napatawa ako ng kaunti ng yakapin niya pa ito. "Anong tinatawa mo ha?! Bayaran mo' to kung hindi ipapakulong kita sa boyfriend kong attorney—"

Naiwan sa ere ang sasabihin niya at napaatras palayo saakin. Nagtaas ako ng kilay sa reaksyon niya. Dahil sa sunod sunod na pagatras ay natumba siya sa semento.

"N-No..."

Sa isang iglap ay umagos ang luha nito at nagmamadaling yumakap saakin. Nabigla ako dahil mas lalo pa siyang humagulgol.

"Hey! Miss? What are you doing?" Itinulak ko siya palayo.

Tumawa siya ng mapakla. "Ano 'to?! Prank ba 'ito? Naku tama na Bianca at  hindi ka n-nakaktuwa! Ilang taon na t-tapos... Wow! What a surprise na bigla ka na lang nagpakita."

Ang kanina na pangungulila niya saakin ay napalitan ng inis pero kahit anong gawin ko hindi ko siya maalala.
Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan ang matalim niyang tingin.

"What?! Wala man lang ni hao? Kahit hi?! Kamusta ka na?! Wala?! Bwesit ka parin, kahit k-kailan hindi ka nagbago!" marahas na tumalikod siya.

"I'm sorry." I whispered. Confused.

"S-orry... lang?" malungkot siyang tumingin saakin. Tiningnan ako ng mas matalim. "Sabihin mo yan sa taong iniwan mo! Tang'na. Hindi kita maintindihan, bakit ganyan ka?"

Kakilala ko ba siya noon? Friend? Classmate? Batch mate? Galit siya saakin dahil sa pagkawala ko. Puno ng pait ang mukha niya at parang ang hirap maniwala na makita niya ako.

Yumuko ako. "Sorry, I was... I'm—" naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko sa ang cellphone mula sa waist bag at sinagot ito ng hindi inalis ang tingin sa babae.

"Where are you Hoshi? I already miss you! I'm bored kasi you're not here. Please come here Hoshi... Hoshi."

Mula sa seryosong mukha ay baghagya akong tumawa at napakagat sa labi. Naiimagine ko pa lang ang busangot niyang mukha ay natatawa na ako.

Umawang ang labi ng babae sa nakita, naguluhan ako sa inakto niya dahil napailing pa siya ng ilang ulit.

"Edi kumain ka na lang."

"Wala akong gana! Punta ka na here then pakainin mo ko!" sigaw niya pero sa malambing na tono.

"Okay calm down, you're acting like a baby again." kunyari ay inis na saad ko pero nagpipigil ng ako ng ngiti.

"Im baby! You're baby! Now faster ang be here!"

"Yeah, my baby?" tuluyan na akong tumawa. Kahit nasa twenty plus na siya ay isip bata parin.

"Yes that me! Sayonara! And be here!"

Natapos ang tawag at hinarap ko agad ang babae na halos patayin na ako sa titig bago sarkastikong tumawa.

"Wow! Nawala na nga may lalaki pa."

"What?"

"Wala kang puso Bianca. Paano mo nagawang magpatuloy sa buhay ng masaya ng hindi iniisip may mga  taong naiwan at tumgil ang mundo dahil nawala ka."

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now