Kabanata 6

5 6 0
                                    

Kabanata 6

Kervy's Pov

Hindi ko alintana ang malakas na ulan para magpatuloy sa paglalakad. Hanggang ngayon ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang panyayari kong saan ay sangkot si Stella sa dalawa kong pinsan.

Nakakapanibago dahil sa halip na manatili sa loob ng kwarto ay nandito ako sa luco at wala sa sariling nakatingala sa basket. Makailang pagpikit ang ginawa ko pero wala akong makitang iba kundi ang nangyari kahapon. Bakit? Paano?

Ang closeness na meron si Timo at Stella ay malalaman mo agad na matagal na silang magkakilala. Samantala si Steve ay irita sa kanya ng magkasama sila. Kailan nga ba hindi naging irita ang pinsan kong 'yon?

Natigil ang paglalayag ng isip ko ng may tumalsik na putik sa mukha na panigurado at sinndya ng mga gago. Inis na bumaling ako sakanila na kapwa may hinuhulma sa kanilang mga palad. Si Timo na nakangising nakatitig sa hawak niya na animo ay may nakakatuwang bagay na siya lamang ang nakakakita. Ang mukhang joker na si Reymart na tumatawa habang nakaturo saakin.

Naiirita ako sa pagmumukha nila sa hindi malang dahilan.

Ang bookworm na si Steve ay nadoon sa library nila maaaring natutulog o nagbabasa ng paborito niyang libro pero halos lahat gusto niya. Pumunta ako sa likuran ng puno ay kumuha ng putik at hinulma ito ng pabilog. May ngiti sa labi na lumabas ako sa pinagtataguan at buong lakas na binato sa pwet ni Reymart ang isang hawak ko hindi ko mapigilang matawa ng makita ang paghimas niya sa puwet at tatawa ring bumaling saakin.

"Gago kayo ah!" inis na sigaw ni Timo mula sa malayo dahil kahit malaki ang distanya niya ay natamaan parin siya ni Reymart sa dibdib.

Nakahawak sa bewang na tumingin siya saamin at akmang babatuhin ako ng mailagan ko ito.

Tsk. Matanda na nga masyado ng mabagal.

"Bagal mo na Lolo Timo, asan na ang mala Flash mong bilis?" nangaasar na saad ni Reymart.

"Gago ka trenta!"

"Kinakalawang ka na haha,"

"Mas kalawang ka na, wala ka ng chicks na dinadala!" sa sinabing 'yun ni Timo ay na tigilan si Rey.

Ang dalawang 'to ang magkakumpetensya pagdating sa mga babae. Halos ang pagbago nila ng babae ay pagpalit ng damit nila once na tapos na hindi na pwedeng ulitin maswerte na ang umabot sa ng tatlong araw.

Matapos maghabulan ay umuwi na kami at naligo naabutan pa namin doon si Steve na abala sa binabasang libro. Naabutan ko yun apat na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa harap nila.

Chester Montenegro? Anong ginagawa niya dito.

Senenyas pa ni Timo na umupo ako sa tabi niya. Ngayon ay seryoso na lahat kami na nakatitig sa lalaking 'to. Nagaasar ako dahil kahit nakatingin ako sakanya ay naaalala ko ang nangyari sa canteen.

Nabasag ang katahimikan pekeng umubo si Rey. "Chester, bakit ka nandito?"

"Alam mo na kung bakit..." ayun na ulit ang pamumutla niya pero hindi na dahilan para mautal siya.

"Aba gago ka ba? Tinatanong ka nga kung ano!" mahigpit na hinawakan ko ang balikat ni Timo dahil ako lang ang pwedeng gumawa dahil busy ang dalawa si Steve na kaunti na lang ay tulog na si Rey na pangisi ngisi na sumusulyap sa cellphone.

May lakad na yan panigurado.

"Si Xiah ang kailangan ko..." napako ang paningin ko at namangha ng makita ang detemenasyon sa mga mata ni niya.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now