Kabanata 3

7 11 5
                                    

Kabanata 3

Mataas na ang sikat ng araw pero nandito parin ako sa kama at nakahiga. Sabado ngayon kaya walang problema. Makailang beses na kinusot ko ang mata ko dahil sa antok madaling araw na ako nakatulog kakaisip.

Panay rin ang katok ni Gwy sa labas para sabihin na nandito ang tatay ko.
Magiisang oras na nakakapanibago nakapaghintay ay lalaking 'yon. Sinadya ko rin na hindi bumangon. Inayos ko lang ang suot ko at lumabas na kahit hindi nagsusuklay.

Nadatnan ko doon sya na prenteng nakaupo sa matigas naming sofa suot ang mamahaling damit. Wow hindi na ka tux, walang trabaho?

"Icay..." Mabilis na nangunot ang noo ko at hinarap sya.

"What's bring you here Mr. Penarubia?"

"Icay..." Pag-uulit niya, nagtiim bagang ako bago nagsalita.

"Anong dahilan at nandito ka, Sebastian?" Nagulat siya sa tanong ko.

"Kaarawan ko ngayon Ica-" pinutol ko ang sasabihin nya.

Nab-bwesit ako sa pagtawag niyang Icay saakin. Sa pagbanggit niya lang no'n ay nagdidilim ang paningin ko at nagbabalik ang mga alaala na kinakalimutan ko.

"Happy Birthday," malamig na wika ko at pumuntang kusina, naabutan ko doon si Gwy na nag-aalmusal.

Naupo ako doon at kumain ng pandesal. Natigil ako sa pagsubo ng makita siya sa harapan ko ulit.

"Oh?" Hindi interesadong wika ko.

"Gusto ko sana kitang makasama." malumanay na saad niya at naupo sa harapan ko.

"Busy ako," At nag patuloy sa pagkain.

"Hindi ka busy Bianca, walang assignments!" Sabat ni Gwy na sinamaan ko agad ng tingin.

"Please..."

"Pagod ako," Ininom ko ang gatas at tumayo na.

"Ngayon na lang ulit ako humingi ng pabor sayo..." Para syang nalugi ng sinabi 'yon. Tsk.

"Okay," tinalikuran ko siya at malakas na sinara ang pinto. Mahirap pa rin palang tumanggi.

Natulala mo na ako saglit bago nag ayos isang simpleng plain yellow shirt lang ang suot ko at pants then white shoes. Tinali ko lang. 'din ang buhok ko ng pony tail at lumabas na sa kwarto. Napangiti siya ng makitang nakatali ako kadalasan kasi ay nakalugay. Nakakahiya naman kung kasama niya ang babae niya.

Lumapit ako sakanya at hinarap si Gwy. "Alis na kami," Wala akong dalang backpack kaya bahala syang gumastos saakin.

"Naku, kahit gabihin ka na Bianca OKs lang," ngiting ani nya na tinanguan ko lang.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan habang nakangiti pero tiningnan ko lang siya.

Ito ang unang pagkakataon na sumama ako sakanya mula ng araw na 'yon. At hindi na mauulit dahil hindi ko pa rin na maiwasang magalit tuwing tinitingnan ang mukha niya. Ayaw kong masigawan siya dahil ama ko pa rin siya kahit paano.

"Saan mo gustong pumunta?" saad niya habang sinisilip ako sa salamin.

"Ikaw kung saan mo gusto, kaarawan mo ngayon,'e. " Napangiti siya doon sa simpleng sinabi ko.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas at hindi ko maiwasang maalala ang nangyari nong nakaraang gabi.

Nasama ako sa gulo dahil sa lalaki na' to na ngayon ay nakangiti habang nagmamaneho. Nakita ko sila ng babae niya magkasama sa isang restaurant at nagtatawanan na akala mo ay sakanila ang mundo. Ang ina ko na kailan man ay hindi niya dinala doon.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now