Kabanata 16

5 4 0
                                    


Kabanata 16

Madaling araw na ng makarating kami sa lupaing ng mga hapon. Mabuti na lang at may bahay dito si Damon para makababa ang sinsakyan namin. Hindi pa man ako nakakapag pahinga ay pumunta na ako sa kwarto na itinuro niya kung nasaan ang kailangan ko.

Napailing na lang ako ng napapalibutan ang kwarto ng naglalakihang mga salamin. May isang pinto pa doon, nakalagay ang mga damit na sakto sa ganitong sitwasyon. Nang makabihis ako ay kinuha ko naman ang magagandang uri ng baril na kakailanganin ko. Pero ibinalik ko rin ang lahat pagkatapos kilatisin maliban sa isa.

Kulay silver ito at nakaukit ang puting  rosas na may patak ng dugo. Napangisi ako dahil ngayon ko lang gagamitin ang ganitong uri ng armas.

Binibigyan buhay nito ang pakiramdam na matagal ko nang itinatago.

Pagkaalis ko sa kwarto nadoon na ang anim at naiiling na nakatingin saakin. Pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa. Bakas sa mga mukha nila ang paghanga.

"Yan lang ang dala mo?" turo ni Cole sa baril na nakasuksok sa bulsa ko. "Mukhang mamamatay ka niyan agad"

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang hawak na mga braha ni Damon. Natutuwa ako sa tulis nito at ganda.

"Mas bagay pala sayo na mata lang ang nakikita shin!" natatawang saad ni Dusk. Babatuhin ko na sana siya ng magtaas ng kamay si Nick,

"I already hack the line of the opponent Shin." sabi ni Nick habang busy sa laptop habang kumakain ng cake.

"At exactly two am we are going to start the fucking play." malamig na saad ko.

"Hano?! Eh One fithy na!" ungot ni Dusk at isinubo ang buong cupcake. At isang inuman ng juice. Nagmadali dahil sa sinabi ko.

"Nagmamadali ka yata Shin." nakangiting saad ni Light na hawak ang mga mahabang baril. Siya ang magsisilbing depensa ko sa malayo. Ang sniper.

"Nangangati na ang kamay mo? Well ganon rin ako." pumapalakpak pa si Dark at dinamay pa si luck na natutulog.

Pero ang bumagsak sa sahig ay si Dark. Namimilipit habang hawak ang braso. Wala paring bibilis sa antukin namin. Siya ang inaasahan namin sa pagdukot ng nais naming bagay.

Sa pagpatak ng sinabi kong oras ay nandito na kami sa lumang gusali. Bawat sulok ay may nagbabantay na nagpapangiti sa akin. Kung nandito lang si Gwy, hindi na niya makikila ang tulad ko.

Mula sa taas madilim na bahagi ng kwarto kung saan una kung  napuntahan ay walang makakakita saakin. Isa isang kong pinakawalan ang mga braha na saktong tumama sa dalawang binti ng malaking lalaki.

Bago pa man siya makasigaw nakangising ipukpok ko sa batok niya ang baril ko. Sa pagtayo ko ay naka tutok na saakin ang dulo ng baril ng kalaban.

Lumapit pa ako dahil nakakatuwa ang panginginig ng mga kamay niya. "M-monster!" utal na saad niya.

"Worst than monster, fucker." sa isang iglap natutulog na ito dahil sa syringe na itinurok ko sa kamay niya.

Salamat kay Cole na nagbigay saakin.

Walang tunog na naglakad ako pero wala na akong makitang nakatayong kalaban halos lahat ay bagsak. Pero ang iba ay bakas ng sugat mula sa katana.

Ang akala kong wala ng dadaanak na dugo na ako ang magiging dahilan ay nagkamali ako. Ngayon ay wala akong pagpipilian kung hindi ay ako ang paglalamayan.

Ang mga mukha nilang may tabing maliban sa kanilang mata, mga assassins. Pero mas maganda pa rin ang suot ko dahil sa aking naisip ay napangiti ako. Sa ngiting iyon ay mali ang naging pagintindi nila.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now