Kabanata 11

4 4 0
                                    

Kabanata 11

Stella Pov

NANG UMALIS kami sa penthouse ni Bryan ay walang imik na nakarating kami sa lugar kung saan paborito ko ang pagkain ng Street Foods. Malaki ang ngiti ko ng bumaba sa motor samantalang si Kervy ay hindi na maipinta ang mukha at palinga linga sa paligid na puno ngayon ng mamimili. Dito lang kasi sa lugar na to matatagpuan ang pagkain na swak sa budget at tiyan.

Naghanap kami ng lamesa at inaasahan ko na makikita ko na makikita ang mga kaaway ko. Inilabas ko ang facemask na itim at nagtatakang inabot niya ito.

"Aalis rin tayo agad," tumango siya at sinuot ito. Dahil suki na ako rito alam na ni Aleng Tes ang bibilhin ko. Ng akmang itatawag niya na ang pangalan ko ay senenyas kong wag babangitin 'yon. Mabilis na bumalik ako sa lamesa at hinila si Kervy palayo doon.

Bakit nga ba hindi ko maisip na nandoon ang mga kumag? Hindi ako makakagalaw ng maayos kapag may kasama akong madadamay lalo na at siya ang kasama ko ngayon.

"Bat umalis tayo?" tanong niya ng makaangkas na sa motor. Hindi ko siya sinagot dahilan para manahimik siya hanggang umabot kami sa luco. Ito ang lugar kong saan nakita niya ang pagiyak ko at talaga naman na nasusuka ako kapag naaalala ko.

Tanga lang naman si ako?!

Sa lumang upuan doon nilapag ko ang mga pagkain at dahil gutom na ako kinuha ko agad yong barbecue at humarap sa araw na ngayon ay kulay kahel na. Napangiti na lang ako dahil hindi na ako gaanong nasasaktan tuwing sasapit na ang dilim dahil sa mga nalaman ko noong nakaraan pero ang umaasa parin ako na makita siya.

Napausog ako palayo kay Kervy na makita ang matalim niyang mga tingin na para bang may ginawa akong bagay na masama sakanya.

Uminom muna ako ng buko pandan bago umubo ng peke. "Ang sama ng tingin mo saakin."

Ang inaasahan ko ay iiwas siya ng tingin pero mukhang nagkamali ako ngayon. "Bakit nakangiti ka don?" madiin na saad niya habang nakaturo sa gitna ng court.

"May naalala lang, bakit?" Sa sinabi ko ay padabog na nginuya ang pagkain at masamang tumingin sa Court. "Hoy! Bakit nga?"

"Ako ang kasama mo... dapat na ako lang ang iniisip mo." saad niya na nakatingin parin doon. Napatawa ako ng mahina sa pinagsasabi niya.

"Sino naman ang nagsabi sayo na kailangan ang iisipin ko ay yong kasama ko lang dapat? Ha?" nakangising aso ako at hinihintay ang reaksyon niya.

Napakamot siya sa batok. "Dahil sabi ko at pagsinabi ko gawin mo na lang!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya na agad niya ring napansin. "Bakit ko naman gagawin yon? Ano ba kita?" walang emosyon na saad ko at kumain ulit. "Kung ano tayo ngayon, Hanggang doon lang yon."

Sarkastikong tumawa siya at ininom ang tubig ng walang hinto hanggang maubos ito. "Talaga! Hindi ko gugustuhin na magkaroon ng relasyon sayo! Tuwing kasama kita pakiramdam ko lagi akong sasabak ng gulo dahil sa kaba na nararamdaman ko." sagot niya na walang alinlangan na nakatingin saakin. Ng malungkot na ngumiti ako ay dumaan sa mukha niya ang pagsisisi." S-Stella... "

" Tama ka, laging nakadikit na saakin iyong gulo na sinasabi mo pero wala na akong magagawa dahil lapitin talaga ako ng gulo. At ang pangit naman tingnan na ginugulo nila ako tapos hindi ako gaganti diba? Kaya ito walang tigil na palitan ng ayaw tsaka wala na yon sanay na ako. " paliwanag ko sakanya na ngayon ay bakas ang pagsisisi sa sinabi niya at may awang kasama. "Wag kang magsisi sa sinabi mo dahil totoo ang mga 'yon. Mas lalong huwag kang maawa saakin dahil pakiramdam ko ang hina ko sa panigin mo. Kaya Kervy okay na saakin yong galit ka! Okay?" tumango na lang siya saakin non. Pagkatapos non ay hinatid ko agad siya sa bahay nila at bumusina bago umalis alam kong may gusto pa siya ng sabihin pero hindi niya maibuka ang bibig niya, nagaalinlangan na sa mga salita na pwede niyang masabi saakin.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now