Kabanata 18

3 3 0
                                    


Kabanata 18

"Nice, daming bunga nito."

Hindi mapawi ang ngiti ko habang nakatingin sa isang puno ng mangga na hitik sa bunga. Lahat ay hinog na at nakakatakam ang bango nito. Napunta na lang ako dito dahil sa paglalakad.

Wala akong balak tumakas nais ko lang malaman kong ano ang gagawin ni Monforte kapag nawala ako. Ibang iba na siya mula ng umalis ako. At hindi ko man aminin may kakaibang epekto 'yon saakin.

Lumapit ako sa puno at muling tiningala ito. Madaling nakaakyat ako at pinitas ang bunga. Siguro uuwi ako kapag madilim na.

"Dapat magdala ako nito para kay Gwy."

Dahil sa tunay na masarap ang mangga tulad ng sinabi ng tindera ay nakailang piraso ako. Tumigil lang ng marinig ang pa parating na mga yapak. Agad na naging alisto ang pakiramdam ko.

"This is your stupid advice Timothy."

"Tsk! Yon lang ang naisip ko bago ka mabaliw."

"Excuse me!"

"Indenial ka lang pinsan."

Pamilyar ang mga boses na yon. Ng makalapit sila ay nakilala ko ang mga ito. Monforte cousins!

Sila pala ang dahilan kung bakit naisip ni Kervy ang ganitong bagay. Mga masamang impluwensya! Dinudungisan nila ang inoseteng si Kervy Matteo.

Ang pangit ng plano! Pareho na mga genes nila!

Hindi ako gumawa ng kahit anong kilos ng tumigil sila sa harap ng puno kung nasaan ako. Pawisan na sila at kahit ang mga damit ay basa na. Pasalampak na naupo sa damuhan si Grey at hawak ang sumbrero.

"Bakit kasi tayo pa ang naghahanap! Ang sakit ng ulo ko parang magkakasakit na!" pinagbubunot pa ni Grey ang damo at doon nilalabas ang galit.

Timothy Eiji rolled his eyes. "Nakalimutan mo na ba ang nangyari ng ang mga tauhan natin ang naghanap! Gulo insan! " sinabi niya iyon na may gulat at paghanga. Ginaya niya pa ang mga kilos ng taong nakikipaglaban.

"I dont know na she can do that things! Well basagulera nga siya pero di ko inaasahan na ginagawa niya ng magisa." Steven Red said habang inaalis ang pawis sa noo.

Nanatiling tahimik si Kervy.

"She's amazing and..." hindi na naituloy ni Grey ang sasabihin ng binato siya ni Kervy ng sanga ng kahoy.

"Luh?!" lumayo siya at nakangising nagpatuloy sa sasabihin. "Well she's fighting with a beautiful red sexy dress Kervy hindi maipagkakaila iyon."

Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Humigpit ang hawak ko sa buto ng mangga at handa ng ibato sa ulo niya.

"Shut up!" namumula ang buong mukha ni Kervy ng isigaw yon.

"Yeah, shut up Grey" pinipigilan ni Eiji ang tawa niya

"Don't you dare Reymart!" I exhaled dahil parang kinapos ako ng hangin lalo na sa sunod na sinabi niya. "She's mine."

Nablangko ang utak ko dahil sa salita niya. Dahil sa panlalamig ng kamay ko at namuong pawis ay tuluyang bumagsak ako lupa. Huli na para maayos ang bagsak ko dahil sa maling posisyon ay na sprain ang isang paa ko.

Ito na yata ang pinakatanga na nagawa ko sa buong buhay ko. Ang mahulog sa harapan ng taong inamin lang kanina na pagmamayari ako. Pero hindi ako kanya! Literal na hulog at ang sakit pa.

"Stella!"

Mabilis na dumalo saakin ang apat kahit halata sa mga mukha nila ang kagustuhang magtanong kung bakit galing ako sa puno.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now