Kabanata 21

3 3 0
                                    


Kabanata 21

Naranasan niyo na bang gumawa ng masama pero nagdadalawang isip ka na magsisi?. 'Yong tipong gusto mong tigilan na pero hindi mo magawa. Nangako ka na hindi mo na gagawin pero ginawa mo parin.

I remain my blank emotion kahit na halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Bigla ay maiisip ko na bumalik agad sa kanya. Then I will ask for forgiveness dahil umalis ako iniwin ko ang lalaking mahal ko.

Love? I didn't expect na sakanya ko mahahanap at ngayon lang naliwanagan ang isip ko. Miss ko na siya. Sobra.

Ano na kaya ang ginagawa niya? Iniisip niya pa kaya ako?

I mentally cursed my self.

Patagong kinurot ko ang aking palad ng maramdam ang emosyon na nagpapahirap sa pahinga ko. Nasasaktan ako sa ginawa ko. Matapos ito ano na ang gagawin ko? May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya. Sana magawa niyang maghintay...

Patapos na ang linya ni Kazan sa pagkanta na mapatangin siya sa direksyon ko. Nagulat siya dahil muntik pa niyang mabitawan ang mikropono pero magaling siyang magpanggap dahil natapos niya ang huling kanta na nanatiling kalmado.

Nanlilisik ang mga mata niya, kung wala lang siguro na tao na nakatingin sakanya ay nasakal niya na ako.

"Penarubia" madiin ng bigkas niya.

"Hi. I like your suit sakto sa kabaong binili ko kanina." matamis akong ngumiti ng magtangis ang bagang niya.

Kahit kabaliktaran ang nararamdaman ko.

Padabog na hinigit niya ang upuan at nangingitngit sa inis. At ang mga tauhan niyang nagkalat ay mabilis na kumilos papunta sa aking likuran at nakatutok ang dulo ng mga baril sa ulo ko.

"Fuck you!" magkasalubong na ang makapal niyang kilay.

"I fucking know Mr. Yamamuto." sabay kuha ko na panyo at nagpunas sa gilid ng labi. "Ang sarap ng steak pero mas bagay kong biscuit at kape parang lamay, di ba? At ang galing mo ring kumanta parang tumatawag lang ng demonyo na susundo sayo." ngising sambit ko.

"What do you want?" umuwang ang labi niya at napabuntong hininga sa pamamagitan noon ay sinusubukan ang sarili na maging kalmado.

Tumawa ako at umiling. "I'm the one should ask you that. What... do you want?"

Ngayon siya ang natawa. "Oh my poor little kitten, ang tanga mo parin? Alam mo naman na ang pamilya mo lang ang gusto ko, lifeless." tumalim ang mga mata niya. "Madaldal ang kapatid ko paniguradong alam mo na kung bakit andito ako at ginugulo ang walang kwentang buhay niyo!"

"Ahuh?" naalerto ang lahat ng may kunin ako sa bulsa ko. "Chill." asar ko sakanila.

Inilagay ko sa pabilog na lamesa ang cellphone na ginamit ni Light at pinakita sakanya ang video kung paano nasunog ang mga pera niya.

"Damn you Penarubia!" itinutok niya ang baril na hawak niya at kinasa ito.

Nagsawalang bahala ako at inilagay ang isang bugkos ng pera na may kaunting sunog na. "Ito oh"

"Tangina ka! Bitch papatayin ko ang pamilya mo! At sa mismong harap mo dudurugin ko sila! Luluha ka ng dugo hayop!" nawalan ng emosyon ang mukha ko.

"Try hard weakling."

Akmang lalapit na ang mga tauhan niya ng iangat ko ang kanang kamay na may hawak ng bomba.

Nagsignghapan sila at napaatras. Inutusan agad ni Kazan ang lahat na umalis maliban sa aming dalawa. Ang mukha niya ang pulang pula na ngayon. At mahigpit na hawak ang baril.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now