Kabanata 28

3 2 0
                                    


Kabanata 28

"Kervy? Nandito ba si Bianca?" nakapikit ako ng marinig ko ang boses ng lalaki sa labas.

Nang imulat ko ang mga mata ko ang dibdib ni Kervy ang unang bumungad saakin. Na ngayon ang nagnginging ang kamay at pilit na inalis ang posas sa kamay ko. Lalo siyang namawis ng may kumatok sa pinto.

"Kervy?" si Sky. Magsasalita na sana ako ng takpan niya ang bigbig ko.

"No, she's not here Sky." magaling, kahit kinakabahan na ay hindi siya nautal.

"Ganon ba sige, nawawala na naman ang bruha. Lagot saakin ang babaeng 'yon." pinakinggan muna namin ang papalayong yapak ni Sky bago inalis ang kamay ng nakatakip saakin.

"Alisin mo na ngayon 'yan Kervy." nagbabanta ang tinig ko, sino ba naman ay hindi naisin na makaalis kung masakit na ang pulsuhan ko.

"I try pero hindi ko magawa." nagmumutla na siya.

"What the?! Asan ang susi?" frustrated na saad ko.

"Hindi ko alam. Sorry." napatulala ako sakanya. Anak ng baboy!

"Paano na ako ngayon?!" nataranta naman siya sa sigaw ko at nangangatal na tinawagan si Grey. Nakiusap siya kung pwedeng ibigay ang susi na tunay na pagmamayari ni Grey. Hindi ba siya nagiisip na ang susi ay kailangan lalo na kung meron siyang ganito! Pero bakit siya meron nito.

"I'm sorry hindi ko alam pinaggagawa ko kagabi." kagat kagat niya ang daliri at hindi mapakali.

"Tumigil ka sa kakalakad ang mahalaga ngayon ay makaalis na ako sa sitwasyon na ito."

Naghintay kami ng ilang minuto bago narinig ang katok sa pintuan. Lumapit doon si Kervy pero maliit lang ang pagkakabukas ng pintuan. Takot rin sa sasabihin ng pinsan kapag nakita akong ganito. Sino bang hindi?

"Obob ka lang Kervy,"

"Bobo yon!" angal ng lalaki.

"Tsk, pake mo? Ito kunin mo na bago pa ibato ko sa labas."

"Thank you!" isasara na sana niya ang pintuan ng iharang ni Grey ang paa.

"Kanino mo ginamit 'yong posas?" napailing ako, bakit kasi nagtanong pa?!

"None of your business." hindi ko masabi kung seryoso si Kervy pero marahil ay oo dahil hindi mababakasan ng pagbibiro ang boses nito.

"Wew! None of my business? Ulol ka na! Siguraduhin mo lang na si Bianca 'yan dahil kung hindi ipapakain kita sa pating!"

"Whatever, just... leave us alone."

"Naks, tama nga ako! At makawhatever mukha kang bakla!" asar pa ni Grey.

"Alis na!" nagtaas na ng boses si Kervy, halatang kinakabahan dahil nakakuyom ang isang kamay nito na nasa likuran.

"O siya, humayo kayo at magpakarami."

Pabagsak na isinara ni Kervy ang pintuan saka padausdos na napaupo sa sahig habang hawak ang dibdib. Nakangiwi ito at pawis na pawis, mukhang sumabak lang sa gyera.

"Ano pang inuupo mo diyan? Alisin mo na to!" pagtawag ko sa pansin niya nang mapatulala ito.

"O-Okay!"

Nakalapit siya agad saakin at sinubukan ng alisin ang posas ngunit dumulas ang susi sa namamawis niyang palad at nahulog iyon sa ulo ko. Sa pagkabigla ay hindi ko napigilan na mahulog ang susi papasok sa damit ko. Natigil na rin siya sa gagawin.

Walang nakagalaw saamin, hindi alam kong anong hakbang ang gagawin.

"Kunin mo na lang." pilit na iwinawaksi ko ang kahihiyan. Tumango siya pero agad na iiling. "Okay lang,"

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now