Kabanata 2

8 11 0
                                    

Kabanata 2

Nang magising ako ay uwian na, agad na niligpit ko ang  damit ko at hinarap siya na abala sa harap ng computer.

"Doc. alis na po ako," saad ko.

"Tagal ng tulog mo... masakit pa ba ang ulo mo? " Napakurap ako ng humalakhak siya at umiling. "Kung umaambon pa gamitin mo na lang 'to na payong ko" Kinuha niya ang stripe na payong at inabot saakin.

Kaya ako humahanga,'e. Masyadong maaalalahanin.

"Hindi na po.." Syempre matutong mahiya para mahinhin tingnan. Nasusuka ako sa sinabi ko hindi ako ganito.

"Keep it... " Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.

"Thanks you." Nauna akong tumalikod dahil napakalawak pa rin ng ngiti niya.

Nang makaalis ako sa clinic ay hinanap ko agad si Gwy sa room at nandon siya, mahigpit na yakap ang bag ko. Mukha syang naiihi na ano, natatawang nilapatin ko sya.

"Krystel Gwy Lorica," ngising ani ko.

"Omy! Bianca..." Akala ko ay yayakapin niya ako pero sabunot ulit ang ibinigay saakin. "Tinatawagan kita! Bakit hindi ka sumasagot, ha? Nakipagbugbugan ka ba ulit dyan sa tabi! Sagot!" ngumiwi ako ng tumalsik ang laway niya saakin.

"Aray," saad ko ng sumakit ang sintido ko dahil sa lagnat at sa nalagas na buhok dahil sakanya.

"Wag mo 'kong artehan Bianca! Sagutin mo ko gaga!" inalis ko ang kamay niya sa buhok ko. Tangina, bakit ang oa?

"Galing akong clinic at saka gaga ka rin. " Nahinto ang matalim niyang tingin sa 'kin at lumambot ang reaksyon

"What! Bakit?" malakas na sigaw niya dahilan para mapatakip ako sa tenga.
Kahit kailan hindi talaga humina ang boses ng babaeng 'to.

"Naambunan lang, " Saad ko habang naglalakad na kami paalis, sa cr na  nagpalit ng casual na damit.

"Ipagluluto kita ng bulalo!" presenta niya.

"KTV tayo," Inalis ko ang nakatakip sa motor at umangkas doon.

"'E, may sakit ka!"

"Then?" Tinaasan ko siya ng kilay at tinapik ang likuran para umangkas siya.

"Madulas ang daan Bianca!"

"Okay, mag commute ka. " Nang isinuot ko na ang helmet ko ay napapadyak pa siya bago umangkas.

"Putcha!" saad niya ng pinaandar ko ang motor na hindi siya sinasabihan. Masaya 'to.

Kervy Pov

Galing ako sa library nang makita ko ang dalawa na nagsisigawan sa hallway o 'yong isa lang. Dahil parehong parking lot ang pupuntahan namin ay nasa likuran nila ako.

Napailing ako ng makita na sumakay sila sa motor. Madulas ang daan naghahanap talaga sila ng kapahamakan. Estudyante nga naman.

"Matty!" Salubong saakin ng kababata ko si Francine.

Ngayon ko lang nalaman na umuwi siya galing states, tumawag siya sa akin kanina. Mula pagkabata ay magkasama na kami dahil sa magkaibigan rin ang mga magulang namin pero pareho silang nasa ibang bansa.

"Francine..." Bahagya pa akong naaubo ng lumundag siya saakin at niyakap ako ng napakahigpit.

"Omy! You look gwapo na Matty and I'm maganda!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa batok ko at hinarap sya. Ang laki ng pinagbago niya.

"Oo..." mahinang saad ko at hinubad ang dark blue na coat na suot ko at isinuot sakanya.

"Malamig..." Namula ang pisngi niya sa hindi malamang dahilan at ngumiti saakin.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now