Kabanata 5

9 10 0
                                    


Kabanata

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay para na siyang tuod na tumalikod na pantay na pantay ang malapad na braso at deritso ang tingin sa dinaraanan.

Tsk.

Pumila ako para bumili ng lunch ng sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga gago. Para silang mga daga na handang hulihin ang pakay nilang pusa. Bawat isa ay nakapwesto na ngunit sapat lamang ang pagkakalayo upang magsensayan. Sa halip na bumili ay nakapamulsang naglakad ako papunta sakanila.

Napangisi ako nang makita ang pagkagulat sa mga mata nila na napalitan agad ng pagkataranta. Naunang lumapit saakin si Gio at si Ark na muntik pang matalisod.

"Stella..." Hindi pa man ay nautal na siya, bakas ang pagkagulat nito. Sino naman kaya ang trabaho nila dito?

Pinagmasdan ko ang kanilang kasuotan at masasabi kong mas pormal ang suot nila kesa sa mga araw na nagkikita kami.

Muli kong iginala ang paningin ko sa kabuan ng dalawa at dahilan para mapaatras sila. "Hmm... ganda ng suot niyo, sa'n ang punta?"

Napalunok pa muna si Ark bago nagsalita. "May... kaarawan ang isa sa kaibigan namin dito." Pinatigil siya ni Gio gamit ang kamay nito na iniharang sa harapan ng pagmumukha ni Ark.

"Pinasusundo ka, Shin" Do'n na nawala ang ngising nakalagay sa labi ko, ang pangalang tinawag niya sa 'kin ay minsan lang magamit tuwing importante lamang ang paguusapan. Parang sa simpleng salita niya ay naubos na ang lahat ng pasenya ko.

"Pakisabi kay Park na ayaw ko," Inis na tumalikod ako sakanila at nag-iba ng daan.

Matagal na rin mula ng makaapak ako sa malawak na lupaing 'yon kung saan nagmamayari ang lalaking hanggang ngayon ay misteryo sa buhay ko. Dalawang beses sa loob ng ilang taon ang huling punta ko ngunit hindi ko pa nakikita ang mukha ng matanda na nagmamay-ari maliban sa apo niyang si Bryan... Bryan Skyler. Ang lalaki na minsan ng kumuha at sumagip sa buhay ko.

Bakit naman niya ako gugustuhing makita? Hindi niya ba naiintindihan na ayaw ko nang bumalik sa lugar na kung na saan ang bakas niya. Nab-bwesit ako sa pagmamaliit niya siya akin. Gustong gusto kong sapakin siya pero hindi ko magawa dahil sa mukha niya. Ang mukha ng ama ko, hanggang ngayon ay nagtataka ako kong ano ang kinalaman niya kay Sebastian. Ang mukha nila at parang sabay na hinulma dahil parehong-pareho.

Magkapatid ba kami? Pero imposible dahil noong nakaraan lang nakilala ko ang lalaking 'yon. Sa araw kong saan ay akala ko ay papatayin ako ng gagongn'yon.

Gamit ang lakas ko ay maingat na itinaas ko ang sarili at naupo ako sa taas ng puno sa likuran ng bahagi ng school. Malaya kong nakikita ang mga estudyante na nagdaraan paalis, mga nagc-cutting at yung gusto lang tumambay. Salamat sa malaking sanga at nakakahiga ako. Ipinikit ko ang mga mata ko para madama ang hangin ng marinig ko ang tunog ng mga naaapakang tuyong dahon.

Sinong istorbo naman 'to?

Hindi pamilyar na lalaki ang umupo  at sumandal sa katawan ng puno kung nansaan ako. Tahimik na naglalaro siya sa cellphone, hindi ko malaman kung ano ito dahil naka earphone siya ngunit panay ang pag pindot niya sa screen. Sa sobrang pagkakasilip ng mukha ko sakanya ay nawalan ako ng balanse dahilan para mahulog at bumagsak ako sa likod niya. Malakas na tunog na parang may nabali ang narinig ko bago napagtanto na nakahiga ako sa likod niya habang siya ay hindi makagalaw dahil nakadapa at nakadagan ako.

Kuso!

"Ouch!" Ang tinig niya ay buong—buo dahil do'n ay natauhan ako umalis sa pakakadagan sakanya. Habang siya ay halos hindi na makatayo dahil nakahawak sa likod.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now