Kabanata 29

4 2 3
                                    


Kabanata 29

"Hanna, bakit mo naman ginawa 'to? Napagod pa kayo nina Manang dahil sa paghahanda." nagaalala pero masaya ang mukha ni Kervy.

Si Kervy Matteo ang Chief Executive Officer ng Monforte Enterprise. Shipping lines, Hotels, Airlines,  Restaurants, Condominiums at Supermarkets. Pero itong plantation ay hindi niya mabitawan at iwanan. Sa pag pagmamadali niyang umuwi umaakto siya na ito ang pinakamahalaga.

Tumawag kasi ang isa sa mga manager ng Supermarkets. Mayroong sumunog nito mabuti na lang ay naagapan. Ngunit hindi man siya nagalala tila isang simpleng bagay. Pero ng tumawag si Hanna na kanyang secretary tungkol sa plantation halos liparin niya na ito makauwi lang.

Nandito ulit ako sa bahay niya na nasa probinsya. Matagal na panahon na ang lumipas pero walang nabago.

"Gusto ka naming masurpresa iho." si manang. Tumanda at.may tunggkod na dahil dati ay kaunti lamang ay puti sa buhok niya ngayon ay halos lahat na. Nakatingin ito saakin at may tuwa sa mga mata.

"Pero—"

"Kung hindi namin ito ginawa ay makakalimutan mo na ang espesyal na araw ng buhay mo."

Ako ang naguluhan sa sinabi ni Hanna. Hindi naman kaarawan ngayon ni Kervy Matteo dahil September na. February 17 at tapos na iyon. Anong araw ang espesyal sakanya?

"Hanna." nagbabanta ang boses ni Kervy. Tumingin pa ito saakin. Bakit parang mali na malaman ko iyon?

"Naku! Kerben!" mula sa kusina ay lumabas doon ay isang ay edad na babae na namumula ang magkabilang pisngi. Ng makalapit siya sa amin ay napagtanto ko ang lahi niya. Kastila.

"Mama La!" nanginig ang boses ni Kervy at balisang tumingin saakin. Kanina pa siya!

"Kerben! Kerben! Akala ko ba paguwi mo ay dala mo na ang asawa mo?" nagulat siya na mapatingin saakin bago ngumiti ng malaki. Pinagmasdan niya ang buong mukha ko. "Naku ikaw na ba yan iha?" naguluhan ako.

"Hi?" parang tanga na saad ko.

"Ang ganda mo na? Aba parang tumaba ka yata?" magagalit ba ako? "At lalong pumuti, ang huling kita ko sayo ay noong inihatid mo pa si Kerben sa bahay."

"Ah, pasensya na po ngayon lang ulit ako nakauwi." siya pala yong babae na pinagmamasdan kami ni Kervy. Nadoon siya gate at parang nagmamatyag saamin. Mabuti na lang at may ilaw at nakilala ko siya. Lola pala siya ni Kervy kaya naman pala.

Bago ako umalis ng araw na iyon ay huminto ako sa unahan ng bahay nila. Lumapit saakin ang matanda pero walang sinabi tanging pagmasdan lang ang ginawa. Pinagkamalan ko pa nga na multo dahil sa puti nito. At pinakaba pa ako sa ngisi. Ikaw ba naman lapitan tapos titigan ka? Kaya ang ginawa ko ay tumango na lang bago umalis. Muntikan pa akong mawalan ng balanse noon dahil sa pagbalik ko ng tingin ay kumakaway ito.

"Ayos lang iha, ang mahalaga ay nandito ka na. Anibersaryo ng kasal ninyo ngayon eh, kaya naghanda kami  nina Hanna." naiwang nakabukas bibig ko dahil sa sinabi nito. Kailan pa ako kinasal?

"Inaasahan ko rin na may anak na kayo? May apo na ba ako na naiwan sa Japan?" tanong pa nito.

"Mama La, pupunta lang po muna kami sa taas. Mukhang pagod po si Stella." gulat parin ako ng hawakan ni Kervy ang bewang ko at dalhin sa kwarto niya. Ito rin ang silid na pinagkulungan niya saakin.

"Kasal?"

"Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay na Mama La." hindi na siya makatingin saakin, kinakabahan pa.

"Anak?"

"Ipapaliwang ko pero magpahinga ka na—"

"Ngayon ka na magpaliwanag Monforte!" kaya pala nagkaroon pa ng aberya ng umuwi ako. Invalid ang passport ko pero nagawan na paraan ni Sky.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now