Kabanata 7

4 7 0
                                    

Kabanata 7

Bianca Stella Pov

Kailangan ba talaga ng magbigay ng chocolate kapag nagugustuhan mo ang isang tao?

Nagkagusto na rin naman ako sa mga artista nga lang pero hindi ko naman sila pinadadalhan ng mga chocolate o sadyang may charisma rin ang payatot na yun.

Natapos ang klase ng wala man lang akong naunawaan. Nandito ako ngayon sa parke para hintayin si Park nais ko siyang makausap tungkol sa litrato na nakira ko. Sa bahay nila gusto magusap kaming dalawa pero ayaw ko mas mabuting dito na lang.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago narinig ang tunog ng sasakyan niya. Sa sobrang linis nito ay pwede na akong manalamin.

"Sorry I'm late..." nakangiting aniya lalapit na sana siya para yumakap saakin ng itaas ko ang kamao ko.

"Tapik lang naman!" depensa niya.

"Sipain gusto mo?" asar na sagot ko. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sino ang lalaking kasama mo sa litratong ito." ipinakita ko sakanya ang litrato na kinuha ko mula sa kwarto niya.

Maliit na ngiti ang ibinigay niya bago sumagot saakin. "My grandpa... at ang papa ko..."

"Sebastian Penarubia?" kunot nuong saad ko.

"Yes..." napayuko na siya.

"Magkapatid tayo?" lumakas na ang tono ng boses ko tila mawawalan na ako ng pasensya.

"Hindi..." tumingin siya saakin ng malungkot.

"Ha?! Hindi ko maintindihan ama mo ang Sebastian na yun na ama ko rin,tapos sasabihin mo hindi?! Eh ano ako ampon? Sampid?" napalapit na siya saakin pero umatras ako.

"His not your dad.... Ella" tuluyan ng nawalan ako ng lakas. "Serio Peñarubia..."

Napapikit ako. "Putcha sino naman yon!" inalog ko pa ang balikat niya para sumagot ulit.

"M-my father's twin brother... Serio your dad Ella,sorry" malungkot na aniya.

"What the hell!...Kaya pala ibang iba ang pakiramdam ko dahil simula pa lang kasinungalingan ang lahat! O ngayon asan ang ama ko?! Asan Bryan?" napaluha na lamang ako dahil sa halo halong nararamdaman.

Kaya naman pala...

Kahit na anong gawin ko at piliting mabuo ang pamilya na akala kong kasali siya ay hindi pwede dahil wala siya at hindi siya ang ama ko. Kaya naman pala na kahit gaano man siya kaabait saakin may puwang parin sa puso ko.

Bakit kailangan magkaganito ang lahat?

Pinahid ko muna ang mga luha ko at tiningnan siya. "Bakit?...bakit kailangan na magsinungaling pa? Yung ina na nakilala ko tunay rin ba yun?" nakahinga ako ng maluwag sa pagtango niya pero andon parin ang lungkot na nararamdaman ko para sakanya.

"Asan na siya? Bryan asan ang ama ko?" nakangiting ani ko puno ng pagasa pero nawala ang lahat ng yun ng sunod-sunod ang naging pagiling niya.

"I'm sorry Ella..." nahihirapan na rin siya magpaliwanag.

"Sabihin mo na Bryan...Nasa ibang bansa ba siya?lugar?probinsya?"

"No... h-he died years ago" nasasaktan na tumingin siya saakin. "You're only 2 years old that day...the cruise ship sunk,"

Napatulala na lang ako sa kalangitan na nilalamon na ng dilim. Bata pa lang ako pangarap ko na ang kompleto at masayang pamilya. Magkakasamang pupuntang parke kakain ng mga paboritong pagkain at magsasaya tuwing sasapit ang mga okasyon ng puno ng tuwa pero ni isa ay hindi ko naranasan.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now