Kabanata 8

4 5 0
                                    

Kabanata

Bianca Pov

"Umuwi ka na..." saad ko kay Gwy na ngayon ay nalilito na ulit magdidilim na ng makaalis kami sa library at wala na akong makitang iba saamin

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid ng parking lot. Napangisi ako ng magsigalawan ang mga di kilalang mga tao. Hindi sila ang mga naunang naging kaaway ko.

"Bakit na naman! Gulo?" inis na singhal niya pero natigil rin ng makita ang blankong mukha ko.

"Alis na..." mahinang sabi ko at naglalakad na papunta sakanila.

"Uuwi ka diba? Walang bangas diba?" mukhang maiiyak na siya. Humarap ulit ako at nginitian siya.

"Babalik ako..." tumango siya bago sumakay sa motor at minaneho ito.

Pinagmasdan ko ang paglayo niya pero hindi pa man siya nawawala sa paningin ko ay nagsilabasan na ang mga taong hihigit sa sampu.

Naglakad sila at bumuo ng hugis bilog at may sapat na distansya. Hindi ko makita ang mga mukha nila hindi dahil sa dilim kundi sa mga tabing sa mukha nila.

"Anong kailangan niyo at kahit saan ay nakikita ko ang mga anino niyo?" sa sinabi kong yung ay nagsinghalan sila hindi inaasahan na masusubaybayan ko ang mga kilos nila.

Umubo muna at kaharap ko. "Ikaw ang malamig mong bangkay." seryosong aniya walang halong biro.

Tumango ako sakanila. "Sige." walang alinlangan na sagot ko.

"H-hindi ka ba natatakot?" saad ng isa.

Tumawa ako ng sarkastiko. "Bakit hindi na lang niyo gawin ang pakay niyo?"

Mukhang napikon ang kaharap ko. "Patayin niyo yan!" sa isang iglap ay sabay sabay na silang bumulasok papunta saakin pero nanatiling nanood ang kaninang nasa harap ko.

Mula sa parating na kamao ay sinipa ko ito gamit ang kanang paa at sinuntok sa mukha. Napaiwas ako agad ng may isang kutsilyo na muntikan ng dumaplis sa pisngi ko. Nakangisi ang mukha na inagaw ko ito sakanya at pinitol ang mahaba niyang buhok.

"Hmm..." napatawa ako ng makita ang takot sa mukha niya.

Gamit ang braso sinangga ko ang suntok ng isa at umapak ako sa likod ng nakayuko at tinalon ang may dalang baseball bat at sinakal siya gamit ito.

Patuloy ang pagabante ko habang ang dalawa ay umaatras dahil sa mabibigat na sipa at suntok na ibinibigay ko. Isang malakas na tadyak sa mukha ang tumapos sa dalawa. Kalmadong humarap ako sa mga natitira.

Kapawa humihingal na sila sa pagod. "Gago! Bakit ganyan ka kalakas." saad ng mataba sakanila.

"Sadyang mabagal at mataba ka lang." napahalakhak ang iba dahil sa sinabi ko.

"Hayop!" tumakbo siya papalapit saakin at nakaambang ang pagsuntok swabeng umilag ako at dahil malakas ang pwersa niya at lumagapak siya sa semento.

Napangiwi ako ng may naramdamang malamig na metal na dumaplis sa kaliwang pisngi ko. "Tsk."

Pinulot ko ang baseball bat at ibinato ito sa may hawak ng patalim at tumama ito sakto sa ilong niyo ako ang napangiwi sa paglagutok ng buto non at pagragasa ng dugo.

"Tumayo kayong lahat!" sigaw ng amo nila kahit ika-ika ay nagsitayuan nga sila at naglabas ng mga patalim.

Sumugod sila ng walang alinlangan at handang ibaon ay mga kutsilyo sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Panay ang iwas ko kaliwat kanan.

Malingat lang ako ay paniguradong babaon saakin ang lahat na hawak nila. Sa mabilis na kamay ay nailabas ko ang mga braha na sadyang ginawa para sa asintadong tulad ko. Dahil ayaw ko baril ay ito ang hinahawakan ko. Hinagis ko ito sa mga braso at binti nila at walang natira na hindi naka handusay sa malamig na semento.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now