Kabanata 14

5 4 0
                                    


Kabanata 14

Matapos ang naganap saamin ni Kervy at nauna na akong iwan siya dahil may laro rin ako. Dahil talaga ng magaling ako sa pagtakbo alam ko na ang resulta ng laro. Panalo ako.

Natapos ang intramurals na hindi ko namamalayan dahil lutang ako sa pagiisip sa nangyari sa pagitan namin ni Kervy. Kahit si Gwy na pagod sa mga gawain at pinuna ang naging kilos ko. Lalo akong nawalan ng interes sa nangyayari sa paligid.

Sabado ngayon at nakahilata lang ako sa sofa at nakatulala sa kisame. Natigil lang ako ng makita ang isang lalaki na kulay abo ang mga mata na nakatayo sa may pintuan.

"Sino ka?" walang modo na tanong ko.
Nagulat naman ito. "Kanina ka pa ba dito?

Napakamot siya sa batok."I'm Clifford Olores, ssg president. Ahm Oo kanina pa ako."

"Oh ngayon anong ginagawa mo dito?" walang gatol na saad ko. Sa muling pagkakataon ay nagulat siya sa inasta ko. Wala akong pake kong siya ang president ng ssg kahit pa ng pilipinas.

"Hinihintay ko siya Krystel." napataas naman ako ng kilay. "May pupuntahan kami.

Pinagmasdam ko ang buong hitsura niya mukhang hindi naman gagawa ng kagaguhan. Dahil napakalinis niyong tingnan mula ulo hanggang paa. Mataas rin siya at nakayuko dahil sa lagpas na ito sa pintuan.

"Upo ka." sabi ko at itinuro ang upuan sa harapan ko. Napalunok naman ito bago umupo.

"Wala akong pake kung saan man kayo pupunta." natigilan siya sa sinabi ko. "Pero kapag inuwi mo siya ng may gasgas sa kahit anong parte ng katawan niya... itatarak ko sa lalamunan mo ang hawak ko." saad ko sa bread knife na hawak ko.

"Don't worry I'll bring her safe." seryosong saad niya. Ngumiti ako ng malawak at inabot ang kamay niya.

"Thats great Mr. Olores." hinawakan niya naman ang kamay ko at ngumiti pabalik.

"I consider that as nice meeting you. Too Ms. Penarubia." bago ko pa mabitawan ang kamay niya ay nakababa na siya Gwy suot ang kulay dilaw ng bestida. Napakaganda at aliwalas ng mukha niya pero natigilan ng makita na hawak ko ang kamay ng president niya.

"Tinakot mo ba to Bianca?" kinakabahan saad niya. Umiling ako at tumawa.

"No. I'm innocent." nakangising sagot ko. Napailing na lang siya sa sinabi ko at niyaya ang lalaki paalis.

"Wala man lang ba na 'magiingat ka Gwy' dyan?" nakangusong saad niya.

"Wala." padabog na naglakad sila pero natigilan sa sinabi ko. "Don't get hurt." yon lang at nahiga ulit ako narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan.

Dahil alam kong wala naman akong gagawing iba ay nagmadali akong maligo at magayos ng sarili. Kinuha ko ang itim na hoodie ay tumakbo papunta sa motor ko. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. Dahil don ay halos blur na ang makita ko daan sa bilis ng pagmamaneho ko.

Inalis ko ang namuong pawis sa noo ko at bumaba sa ilalim ng tulay. Napakadilim parin ng paligid na mas lalong nagpangiti saakin. Pabalya kong binuksan ang grey na pintuan na nakatago dito sa tulay. Kung ang sagwa ng hitsura sa labas nito ibang iba naman sa loob tila nakaapak ka ngayon sa isang penthouse.

Penthouse para sa mga taong may sekreto sa buhay.

"Welcome home Shin!" masayang bumugad saakin ang mga tao dito na busy sa mga ginagawa nila. Simpleng tango lang ang ibinigay ko sakanila.

"Bakit nandito ang Shin namin? Bored ka no?" ngising saad ni Light habang walang habas na pinagsisipa si Dark na kakambal niya. Pito kaming nakatira dito at ang tanging nakakaalam ng lugar.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now