Kabanata 24

3 2 0
                                    


Kabanata 24

"Hi! I'm Bianca Stella Penarubia, you are?"

Kanina pa ako nangangawit kakangiti sa lalaking nakaupo sa isang duyan at abala sa laptop nito at ilang ulit na inaayos ang eyeglass senyales na nnaiirita ito. Simula ng makausap ko si Gwy na siya palang malapit na kaibigan ko noon ay kinukulit ko na ang lalaki.

Hindi ko kailangan bumawi kay Gwy, yan ang sabi niya. Sa halip dito sa lalaki ako bumawi at mag paliwanag. Kahit na parang bingi ito na hindi man lang ako binibigyan ng pansin.

Ang tanging alam ko lang ay mahalaga siya sa buhay ko at kailangan kong alamin kong bakit. Isa akong babae na hindi nakadepende sa lalaki kaya paanong may ibang lalaki sa buhay ko maliban sa pamilya ko?

Hinintay ko na si Sky o si Gwy ang magpaliwanag pero wala silang naibigay. Ang tanging makakasagot lang saakin ay ang lalaking ito.

Siguro nga ay sobra ang nagawa ko sakanya para umakto siya ng ganito na para bang hangin lang ako na nararamdaman niya pero hindi nakikita.

Pero kaunti na lang at sasapakin ko na 'to!

"Hello?! Kausap po kita Mr. Monforte!"pagsasalita ko ulit.

I smiled ng tumaas ang tingin niya saakin pero agad rin nawala ng tingnan niya lang ako at umalis sa duyan. At dahil kailangan ko siya ay humabol ako.

Malalaki ang habang niya pero hindi iyon problema dahil mabilis akong tumakbo. I am well trained at ang ganitong sitwasyon ay simple lang saakin.

Ng maabutan ko siya ay hinila ko ang laylayan ng damit niya. "Hey! Kausapin mo naman ako."

He glared at me. "If you want me to talk to you, stop being stupid!" I am literally shock dahil sigaw nito at sa higpit ng pagkakahawak sa pulsuhan ko.

Pabagsak na binitawan niya ako. "Don't come near me. I don't want to see you or even hear your freaking voice." tinalikuran niya ako.

Napayuko ako para maiwasan ang tingin ng ilang mga tao dahil sa nagawa naming kumosyon. I bit my lip dahil sa pagkapahiya at... sakit.

After kung huminga ng maayos ay sumunod ako sa lalaki. Hindi ako magagalit dahil alam kong may nagawa ako. At siya lang ang makakasagot saakin.

Nasa isang cafe siya at naging abala ulit sa loptop habang may hawak na cellphone. Kahit malayo ay kitang kita ko ang pagkairita niya at ang ilang pagmumura na sinasabi nito.

Nag order ako ng isang shake at nakangising naupo sa harapan niya. Tulad ng inaasahan tumaas ang kilay niya bago nagkasalubong ito. Wala pa man na salita ay nagaapoy na sa pagkairita ang mga mata niya.

"Konnichiwa! Would you mind if I seat here handsome?" muntik pa akong mabilaukan sa sarili kong salita. Ngayon lang ako verbally nagpuri sa isang tao.

"Are you numb?!" umiling ako sakanya nakangiti pa rin. "Nakaupo ka na tapos ngayon ka lang magpapaalam."

"I accept that as pahintulot na maupo dito." lumawak ang ngiti ko ng nanahimik na lang ito. Atleast hindi ako pinaalis.

Habang iniinom ko ang shake ay naglakbay ang paningin ko sa buong mukha niya. Magulong itim na buhok na maihahalintulad sa langit tuwing gabi, ang mga mata nito na may pagkasingkit at mahahabang pilikmata. Dahil sa bahagya itong nakayuko kaya para siyang nakapikit.

Napalunok ako ng bumaba iyon sa matangos niyang ilong na may pawis sa dulo niyon, pinagpapawisan siya kahit na napakalamig dito sa loob ng cafe. Napakurap ako ng mapunta ang tingin ko sa labi niya.

Kuso!

Nasamid ako ng kagatin niya ang pangibabang labi na nagmumula na. Grabe, anong lip care ang ginagawa niya para maging ganyan kaganda ang  labi nito.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now