Kabanata 17

3 3 0
                                    


Kabanata 17

Dahil kasama ko siya, hindi ko na binalak na magpuntang Black Site. Maaaring napakaraming tanong ang ibabato saakin ng mga tao don kapag kasama ko si Kervy.

Nasa harap na kami ng bahay niya pero hindi parin siya umalis, nanatiling nakaangkas sa motor ko. Tumikhim ako para umalis na siya pero hindi niya nakuha ang ibig sabihin non.

"Baba na." kahit ang simoy ng hangin ay napakalamig pareho ng mga kilos ko sakanya.

Hindi siya nakinig.

"So dito ka pupunta? Bakit gusto mo kong makita?" ang mga kamay niya ay dahang dahan na yumakap sa bewang ko. Nagulat ako pero hindi ko na kailanganin na humarap sakanya.

"Alisin mo ang kamay mo." namamawis ang noo dahil sa ginawa niya.

"Wala ka ring pake." lalong humigpit ang pagkakayakap niya tila gusto na akong yupiin.

"Katawan ko to! Kaya bitaw." pagalit na inaalis ko ang magkadaop na kamay niya pero agad rin akong na tigilan ng amuyin niya ang balikat ko.

Fuck! Asan na ang mahiyaing Kervy na nakilala ko? Nagkamali ba ako sa mga paglalarawan ko sa katangian niya.!

Anong kilos to?!

Nauubusan ako ng pasensya sa ginagawa niya kaya gamit ang kontroladong lakas pinilipit ko ang braso niya papuntang likuran.

"Ouch!" wala na akong pake kahit umiyak pa siya.

"Pagsinabi kong bitaw, bumitiw ka!" galit na sigaw ko. Galit ako dahil hindi ko man lang napigilan ang ginawa niya. Nagpadala ako!

"Inaalam ko lang kung bakit iba ang pabango mo!" salubong ang kilay niya pero higit na namumula ang kanyang pisngi.

"Pabango?! Bakit mo naman inaalam!" agad ko siya tinulak palayo saakin.

"Malay ko bang pabango yan ng lalaki mo!" napasinghap ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Lalaki ko?" tumawa pa ako dahil sa sinabi niya.

"Tapos inamin mo nga?! Ha!" ginulo niya ang maayos niyang buhok at nanlulumong tumingin saakin. "Di ba sinabi kong gusto kita?"

Muli ay naalala ko ang nangyaring pagamin niya. Sa pagalala ko noon ay sumasabay ay mabilis na pintig ng puso ko.

Umiwas ako ng tingin. "Pero umalis ka para iwasan yon. Ngayon na nagbalik ka...kahit maliit na emosyon wala akong makita. Bakit?"

Lumapit siya pero umatras ako. Dumaan ang mga emosyon sa mata niya. Pumikit ako para pakalmahin ang nagwawalang puso ko.

Anong?... Puso?... ko!

"Uulitin ko Monforte, wala kang pake! Buhay mo ang pakialaman mo hindi ang sa akin." akmang babalik na ako sa motor ng harangan niya yon.

"Ginugulo mo na ako! Lumala pa ng umalis ka!" mariing sigaw niya at may kakaibang ngiti sa labi.

Inalis ko agad ang tingin ko sa labi niya ng mahuli niya akong nakatingin doon.

"Tabi!" tinulak ko siya mas malakas kesa sa ginawa ko nong una. Muntik naman siyang matumba dahil sa pwersa ng pagtulak ko pero tiningnan  ko lang ito na parang siya na ang pinaka walang kwentang bagay na nakita ko.

"Monforte!"

"Kervy ang tinatawag mo saakin," hindi ko siya tiningnan dahil sa boses niyang parang inapi.

Ako nga ang ginagawan niya ng masama dito! Paano na lang kung atakihin ako sa puso lalo na ngayon na bumibilis ito tuwing andyan siya.

"Anong pinagsasabi mo?" nahihirapan  na ako.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now