Kabanata 10

4 5 0
                                    


Kabanata 10

Stella Pov

Tila nawala ang lakas mo Stella? Ganyan ba ang epekto ng yakap ko? Nakakapanghina?

"Eh kong kabaong ang ipayakap ko sakanya at ng hindi siya manghina." naiiritang saad ko at hinampas ng malakas ang ulo ko gamit ang unan dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa lalaki na bwesit.

Padabog na nagayos ako ng sarili at humikab pa papuntang kusina at naubutan doon si Gwy na kumakanta habang naghahain ng almusal.

"Kamusta ang tulog ng kaibigan kong sabog?" ipinakita ko ang kamao ko sakanya at tumawa naman siya.

"Yan! Inlove na ang lola niyo!...Hindi makatulog sa gabi sa kakaisip~" binato ko siya ng kutsara na nailagan niya agad.

"Manahimik ka nga!"

"Yes boss! Bibigyan kita ng katahimikan upang isipin ang magaganda niyong ala-ala." binato ko siya tsinelas ko at sakto sa puwet niya.

Sapol

Bumalik siya sa lamesa at masamang tumingin saakin."Para sabihin ko sayo ako ang nagluto niyan! Hindi kita pakainin niyan eh!"

Napaiwas ako ng tumalsik ang kanin mula sa bibig niya. Mayaman ba talaga 'to? Asan ang manners?

"Edi lumayas ka na." sabay kagat ko ng tuyo.

"Napakasama mo! Hindi tayo bati!" nakasimangot na aniya."Isusumbong kita sa tatay mo!"

Napatawa ako. "Wala na akong ama," kaswal na sagot ko. Dapat na malaman niya na rin ito.

"Tanga ka ba si Tito Sebastian! Lutang ka lang hindi amnesia!" tinutok niya saakin yong hotdog.

"Hindi ko nga ama yon!" iritang ani ko.

"Hahaha eh ano ka ampon? Stepchild?!" patuloy ang pagtawa niya pero natigil lang ng makita na seryoso ako. "Gagi! Totoo?!" nabilaulan siya at uminom ng tubig tapos galit na tumingin saakin.

"Hindi mo man lang inabot yong tubig!" singhal niya.

"Malapit lang naman sayo bakit ko pa iaabot?" nakangising saad ko.

"Ang sama!" sigaw niya. "Pero mabalik tayo sa tatay mo, sino ka ba talaga wag mong sabihin na ikaw ang nawawalang duchess?"

"Gago."

"Hehe seryoso na,kong ganon ay hindi ka Peñarubia?!" napahawak pa siya sa bibig niya.

"Syempre Penarubia parin, iba nga lang ang tatay ko." napasinghap ako ng maramdaman ang kirot sa puso ko.

Ang mga taong umagaw sa buhay niya. Ramy...

"Ano?!Iba sino?" sigaw niya ulit.

"Pwede ba umupo ka exaggerated ka na."

"Sorry, acting lang ba."

"Serio Peñarubia...kakambal ni Sebastian Peñarubia." nanuot ang kakaibang sakit sa puso ko ng bangitin ang pangalan niya.

Napahawak siya sa lamesa. "Im speechless."

Tumango ako sakanya at nagpatuloy sa pagkain. Huminto ako ng maramdaman ang titig niya.

"Ano?"

"Ayos ka na ba?"

"Oo naman ,matagal ko ng alam."

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now