Kabanata 4

8 12 0
                                    

Kabanata 4

Kervy Pov

Panibagong araw na ulit pero ayaw bumangon ng katawan ko na sadyang nakakapanibago. Ngayon ang pinakamalala sa lahat dahil ngayon ko lang naramdaman ang napakatinding pagod na kailan man ay hindi ko naramdaman.

Bagsak ang balikat na pumunta ako sa bangyo at ginawa ang ritwal. Matapos no'n ay lumabas ako sa kwarto na dining na dinig ang asaran ng mga gago kong pinsan. Hindi na ako nagulat na makita sila sa pamamahay ko dahil sa mukha nilang pangtambay sa kanto.

"Kawawa naman ang prinsesa mo Timo, iniwan ng prince charming niya. " saad ni Reymart na siyang dahilan para mangunot ang noo ko. Bakit nandito 'to?

"Ewan ko sa payatot na 'yon at nawala ng parang bula. " nakasimangot na ani ni Timo na busy sa pag-aayos ng mga regalo mula sa taga-hanga niya.

"Baka naman tinakot mo Timo." Natigil siya pag-aayos nang marinig ang seryosong tinig ni Steven.

"Tsk." tanging sagot ni Timo. Alam na!

Dahilan para mag singisian ang mga gago. Sa reaksyon niya pa lang ay nagawa na nga niya ang ibinibintang ni Steven.

"Paano makakahanap yan kung nakaharang ka?" inis na saad ko na nagpatahimik sa kanila pero agad rin na nakabawi.

"Pucha, mga dre si Kervy ba talaga 'to?" gulat na saad ni timo na nabitawan pa yung mga regalo. Ginugulo ko kasi ang buhok na palaging nakaayos. Tsk.

"May himala!" At sabay-sabay na nagsitayuan ang dalawa pati ang tahimik na si Steve ay nakisali sa pagyuko sa akin.

"Gago!" Nagugulat na tinuro pa ako ni Timothy na manghang-mangha sa sinabi ko dahil sa unang pagkakataon ay nagtaas ako ng boses.

"Kervy Monforte, insan ko." maluha-luha pa na saad ni Timothy at niyakap ako ng napakahigpit.

"Pati ang damit ay gusot isa talagang himala." ngising ani ni Reymart na sinamaan ko ng tingin dahilan para mapangiwi siya.

"'E, kung mukha mo ang gawin kong gusot?" At sinapa ko sa pwet si Timothy na natatawang bumalik sa upuan niya pero nakangising aso ulit.

"Anong ginawa ko sayo?" nakangiwi si Reymart.

"Wala," Inayos ko ang salamin at walang pakundangang nahiga sa malamig na tiles, sabay na sabay na nagsinghapan ang tatlo.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nahiga ako sa sahig na hindi inaalala ang dumi. Pumikit ako nang mariin at inalala ang nangyari kahapon

Nakatangap ako na tawag mula sa hindi pamilyar na numero dahil wala akong pakialam maliban sa binabasa kong libro ay hindi ko iniintindi ito.

"Hello," mahinang saad ko nang sagutin ang tawag dahil  paulit-ulit na lang. Dapat pinatay ko na lang tong cp.

"Thank god sinagot mo Kervy! Nakita mo ba si Bianca, ha?!" nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong pakialam ko 'don para tawagan niya pa ako?

"Hindi."

"Okay, sorry sa istorbo," siya ang pimutol sa tawag.

Tiningnan ko ang oras at malapit nang magdilim. Isinara ko ang libro at nag-ayos. Saang gulo na naman ang pinasok ng babaeng 'yon?

Habang pababa na ako muntik pa akong matalisod, huminto ako at huminga ng malalim. Bakit nga ba nagmamadali ako? Tumayo ako ng tuwid at naglakad nang maayos.

Nasa labas na ako ng Village at tumatakbo ulit. Teka saan ko naman hahanapin 'yon? Sinagot ko ang tawag mula sa isa sa mga gago.

Reymart calling...

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now