Wakas

4 3 0
                                    


Hello! Maraming salamat sainyong mga read, comment, and message. Napakalaking bagay na ito sa akin at umabot kayo sa katapusan ng istorya. Oo sa wakas, sa dulo ng magulong istorya ni Kervy at Stella. Maraming Salamat.

Enjoy reading :)

Wakas

Kervy Matteo Monforte Point of View

"Señorito, paumanhin ngunit kailangan niyo pong kumain para sa paggaling niyo. Walang laman ang iyong tiyan mula pa kaninang umaga. Marahil ang gutom na kayo. " mahina ang tinig ng isa sa mga pinsan ko.

Nandito kaming apat sa balkonahe ng bahay at nagpapalipas ng oras. Malalim na gabi dahil ang mga bituin ay malayang kumikinang sa kalangitan. Napangunot ang noo ko na makita ang buwan na sobrang laki.

"Señiorito?" Pagtawag saakin ulit ni Reymart. Binigyan ko siya ng naaasar na tingin.

"What's your problem? Sinisira mo ang peace at mind na meron ako Reymart." malumanay na saad ko, hindi malaman kong naiinis dahil sa malamyos na tinig. "And stop calling me Señiorito. Kinikilabutan ang buong katawan ko."

"Weh? Sure ka?" ngising sabi niya, pinaglalaruan ang hawak na baso ng alak. Mahilig na siya sa alak kahit na matatawag pa kaming minor de edad.

"I'm serious Rey, can't you see?" Pinilit ko ang mukha na maipakita ang pagkainis.

"Reymart tumigil ka na sa pangaasar kay Kervy baka maisipan ng bunso natin na sa'yo ibigay ang pagiging tagapagmana ng kompanya nila lolo." May kaunting ngiti na sumilay sa labi ni Steven, mukhang natutuwa ang lalaki na makitang masar ang mukha ng kapatid.

"No freaking way!" sigaw ni Reymart at napakatok sa kahoy. "Nakakatakot ka magsalita Steven, pakiramdam ko mangyayari iyon."

"Why not?" Pagsasalita ko, mabilis na kumunot ang noo niya. "I'm willing to give you the title of being the chief executive officer of Monforte Enterprises. Our empire."

"Shut up! Wala akong balak na maging taong opisina na halos ang buhay ay kasama na ang mga gabundok na papel." Napatingala pa siya sa langit at doon iniimagine ang sinasabi. "Magiging boring lang ang buhay ko, mas nanaiisin ko pa ang maglakbay kesa ang manatili sa isang sulok. Maraming lugar—" Nahinto siya sa pagsasalita ng si Timothy ang magpatuloy.

"Maraming babae!" Malawak ang ngiti niya habang iniinom ang hawak na baso ng alak. Napailing ako sa parehong tabo ng utak nila ni Reymart. Mga babaero.

"Mag-aral na lang kayo ng mabuti baka sa paraan na 'yon ay magkaroon ng ambag ang sarili niyo sa mundong ito." si Steven na umiinom rin ng alak ngunit kaunti lamang dahil sa pagkakaroon niya ng mababang alcohol tolerance. At sigurado ako na hindi nito hahayaan ang sarili na malango sa alak, kahit ako ay ayaw na makita ang magyayari sakanya kapag nagkataon.

"Isa ka pa Steven! Naaawa ako sa kinabukasan niyo, boring." Nagsabay sa pagbigkas sina Reymart at Timothy sa huling salita. Pinagtutulungan na asarin si Steven pero hindi ko na  aasahan na maasar ang lalaki.

"Well its okay for having a boring life at least I'm clean." Mayabang na sabi ni Steven, napaawang ang bibig ng dalawa sa pagkabigla.

"Anong ibig mong sabihin?" Naghahamin ang tinig ni Reymart. "Para sabihin ko sa'yo 'kuya' matanda ka lang pero mas malinis at mas gwapo ako sayo!"

"Grabe ka sa matanda Rey." bulong sakanya ni Timothy para bahagyang tumawa ako. Napatingin siya saakin at he pointed me like I'm one of those criminals. "'Wag kang ngingiti diyan, Virgin."

"Oh." lumawak ang ngiti sa halip na mainis. "Well, it's still fine basta malinis kami."

"Anak ng?! Bakit sa tingin niyo may HIV kami ni Reymart?"

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now