Kabanata 19

3 3 0
                                    


Kabanata 19

Because of the kiss ilang araw na akong hindi pinapansin ni Kervy. Hindi nga ako humalik sakanya! Hindi ko kasi nasagot agad ang tanong niya.

Aba malay ko na magagalit siya sa biro ko?!

"Kervy Matteo!"

Kanina pa ako kumakatok sa pintuan ng kwarto niya pero walang sumasagot. Gamit ang pinagbabawal na teknik at nabuksan ko ang pintuan.

"Matt-"

Napawi ang inis ko ng makita siyang nakadapa sa kama at mahigpit na yakap ang unan. Para siyang bata na napakahimbing na natutulog.

Cute!

"Tsk. Paano na lang kung sinipa ko ang pintuan?"

Hinila ko ang isang upuan palapit sa kama at naupo doon. Pinagmamasdan ang mahahabang pilikmata at ang makapal na kilay. Ang ilong niya ay mataas rin.

"Sigurado na nagising ka na. Mabuti na lang at hindi ko ginawa dahil hindi ko makikita ang ganitong view."

Wala sa sariling napatitig ako sa kanyang labi. Bakit parang mas mapula pa yata saakin? Hinawakan ki ito para malaman kong gumagamit ba ito ng liptint.

"Ahhh!"

Nagising siya sa ginawa ko at tumalon ng kama. Sinilip ko siya at namimilipit na ito.

"Grabe naman iyong reaksyon mo, hindi naman kita hahalikan! Asa ka!"

"Okay I know p-pero bakit hawak mo ito." turo niya sa kanyang labi.

"Inaalam ko lang kung bakit ang pula ng lips mo! Gumamit ka ba ng liptint?"

"Anong liptint?"

"Wala, lapit ka"

Umiling siya at paatras na humahakbang palayo saakin.

"Kervy!"

Kumaripas na siya ng takbo. Tumawa naman ako dahil para siyang bata na takot sa multo. Nakita ko siya sa may kusina at namumula. Nang makita niya ako ay agad siyang nagtago sa likod ni Manang.

Anak ng?!

Makapagtago ba naman akala mo hindi makikita?

Natutuwang pinagmamasdan naman kami ni Manang.

"Help me manang!"

Takot na takot ang tinig ni Kervy at hindi makatingin saakin.

Napatawa ako ng sapilitang umalis manang at naiwang magisa si Kervy. Umaatras na siya palayo kahit hindi man lang ako gumagalaw. Sa isang hakbang ko ay napatalon siya.

"Lalapit ka o pipilipitin ko iyang leeg mo?"

Napalunok siya at hindi na nakatingin  saakin.

Maglalakad na sana ako palapit ng nagvibrate ang relo ko. Dahil sa paghinto ko ay nakatakas na si Kervy at mabilis pa sa kabayo na nakaalis sa loob ng kanilang bahay.

Para mas maging ligtas ay tumakbo pabalik sa kwarto at doon sinagot ang tawag. Hindi ko pa man naririnig ang sasabihin ng tumawag ay naghahanda na ang ako.

"Shin, the location of Kazan Yamamuto aka Ramon Aranel has gone. Before we can locate his traces he already disappeared. We're trying our best and Sebastian Penarubia and his wife are in Japan for business purposes."

Nakahinga ako ng maluwag.

"Si Krystel Gwy Lorica?"

"Cole has been following her and nothing suspicious happened. Except of the guy name Clifford Orales the first born of  Mr. Carl Olores and Mrs. Fara Llorin-Orales the owner of Orales High."

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now