Kabanata 23

4 2 0
                                    


Kabanata 23

Naiwan ako sa bahay lahat sila ay nasa resort na at naghahanda. Dahil nais ko muna na makita ang bahay ni Sebastian. Nagbabakasakali na baka meron akong makita sa kulang saakin.

Pero wala.

Natulog ako ng matagal para maiwasan ko ang maisip ng kahit ano-ano. Pagkababa ko pa lang sa eroplano parang gusto kong pumunta sa isang lugar na hindi ko alam. Hindi ko matukoy kung saan pero may nagtutulak saakin papunta doon.

Hindi ko na magawang ayusin ang mga maleta at nanatiling nakadungaw sa labas. Nagsisimula na akong magduda sa mga kasamahan ko. Kung meron akong nakalimutan bakit hindi nila magawang ipaalam saakin?

I sighed.

Hindi ko kailangan magtago dito sa kwarto, kailangan ako para sa kasal nina Aira at Sky. Nang maiwaksi ko na ang mga iniisip ko ay nagpalit na ako ng damit isang fitted black na pantalon at isang plain na white shirt lang ang sinuot ko.

Pumunta ako sa garahe at umangkas sa isang motor. Hinaplos ko ito at napangisi. Kakaibang saya ang naramdanan ko dahilan para imaneho ito ng napakabilis.

"Woah!" napatawa pa ako dahil sa pagdaplis ng hangin sa pisngi ko.

Gumagamit na ako nito noon pa sabi ni Sky, nang araw na nakita niya akong interesadong pinagmamasdan ang motor niya.

Nadala ako sa tuwa at balak na sana na magpatuloy nang mapapikit ako sa inis ng bumangga ako sa isang sasakyan na halatang mamahalin. Akmang aalis na ako ng bumaba ang may ari nito at mabilis na lumapit sa likuran ng kotse.

Porsche. Tsk.

"Ano ba naman 'yan! Ang baby ko?!What the! What the fucking hell!" puno ng panghihinayang ang boses niya at inis.

Kinapa niya pa ito at napapadyak. "My goodness! Why me bago pa lang' to! Anak ng tinapa kasi bakit hindi ka nagiingat ha?! Alam mo ba na pinagiponan ko 'to."

Napatawa ako ng kaunti ng yakapin niya pa ito. "Anong tinatawa mo ha?! Bayaran mo' to kung hindi ipapakulong kita sa boyfriend kong attorney—"

Naiwan sa ere ang sasabihin niya at napaatras palayo saakin. Nagtaas ako ng kilay sa reaksyon niya. Dahil sa sunod sunod na pagatras ay natumba siya sa semento.

"N-No..."

Sa isang iglap ay umagos ang luha nito at nagmamadaling yumakap saakin. Nabigla ako dahil mas lalo pa siyang humagulgol.

"Hey! Miss? What are you doing?" Itinulak ko siya palayo.

Tumawa siya ng mapakla. "Ano 'to?! Prank ba 'ito? Naku tama na Bianca at  hindi ka n-nakaktuwa! Ilang taon na t-tapos... Wow! What a surprise na bigla ka na lang nagpakita."

Ang kanina na pangungulila niya saakin ay napalitan ng inis pero kahit anong gawin ko hindi ko siya maalala.
Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan ang matalim niyang tingin.

"What?! Wala man lang ni hao? Kahit hi?! Kamusta ka na?! Wala?! Bwesit ka parin, kahit k-kailan hindi ka nagbago!" marahas na tumalikod siya.

"I'm sorry." I whispered.

"S-orry... lang?" malungkot siyang tumingin saakin. Tiningnan ako ng mas matalim. "Sabihin mo yan sa taong iniwan mo! Tang'na. Hindi kita maintindihan, bakit ganyan ka?"

Kakilala ko ba siya noon? Friend? Classmate? Batch mate? Galit siya saakin dahil sa pagkawala ko. Puno ng pait ang mukha niya at parang ang hirap maniwala na makita niya ako.

Yumuko ako. "Sorry, I was... I'm—" naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko sa ang cellphone mula sa waist bag at sinagot ito ng hindi inalis ang tingin sa babae.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now