Kabanata 26

3 2 0
                                    


Kabanata 26

Everything is prepared. Everyone are happy while waiting the bride to arrive. Marami ang umiiyak pero lamang parin ang pananabik at kasiyahan sa mata ng mga imbitado. Ngumiti ako ng makita si Gwy na sobra na kung magdrama. Grabe, siya ba 'yong ikakasal? Feel na feel lang ang galawan.

A proud smile was seen in Sky's face when his own lady arrive. White flowy gown with a side slit made the bride a walking goddess in simplicity but screaming the elegance of her own beauty. Si Sky ba talaga ang papakasalan nito? Mukhang maling desisyon.

"Alam ko ang iniisip mo." Sky mouthed ng taasan ko siya ng kilay.

Kahit ayaw kong makita ang mukha ni Sky na lumuluha, masaya ako para sakanya. Nasa tamang landas na ang loko. May matatawag na tunay na pagibig sa pagitan ng mga palitan nilang tingin

Nagsimula na ang seremomya ng  kasal at puro iyak lang ang ginawa ng katabi ko.

"Ang oa mo."

"Heh! Kj ka lang, bitter pa." inirapan ko na lang siya. Wala kwentang kausap.

Natingin ako sa kabilang banda. Nakaupo doon ang pinakagwapo sa paningin ko. Suot ang tuxedo na kulay itim at pink sa loob nito. Magulo ang buhok dahil sa hangin. Nakangiti siya, tunay wala ng bakas ng pinagdaanan na sakit na dahil saakin. Umiwas agad ako ng tingin ng bumaling siya sa direksyon ko.

Kuso! Hindi ba ako titigil sa kakatingin?!

"Yan kasi aalis tapos magsisisi." bulong ng katabi ko. "Sayang talaga."

Hindi ko na lang pinansin siya. Isang cute na batang lalaki ang nagabot ng singsing. Napakapamilyar ng mukha nito. At ng lumapit ito kay Timothy ay hindi ka na magtatanong. Mag ama. A little version.

Muli ay napatingin ako kay Kervy na masayang nanunuod. Hindi ko namalayan na napatagal ang titig ko sakanya para mahuli ako. Hindi ako nakaiwas ng tingin. Nawala ang ngiti sa mukha niya. Yumuko ako at napahawak sa dibdib.

Ouch.

"And now I pronounce you husband and wife!"

Lahat at nagpalakpakan. Nagkaroon ng picture taking mula sa bride hanggang saamin kami naman na bridesmaid at groomsmen— bestfriend ni Aira si Alezhon Ryu. Bagot na bagot ito na naglakad palapit saakin. Kulang pa yata sa tulog.

Mataas siya at meztizo gwapo pero mas gwapo 'yong nanunuod saamin. Napailing ako ng ako na mismo ang umalalay kay Ryu ng muntikan pa itong matumba. Lasing lang ang galawan.

"Umayos ka nga Ryu!"

"Tss."' yon lang ang sagot niya bago inutusan ni Sky na mukhang aso na nakangiti.

"Nakakadiri ang ngiti mo, Skyler." saad ko pero hindi niya ako pinansin.

"Alezhon, ilagay mo sa bewang ng kapatid ko ang kamay mo. Wala ng nagmamayari niyan. Pinakawalan na." gulat na tumingin ako kay Sky.

"Gago." usal ko.

"Oh, kiss mo na rin masyadong madumi ang bibig." napasinghal na lang ako kay Sky, pasalamat siya at kasal niya ngayon.

Napatras ako nang sinubukan na gawin ni Ryu ang utos ni Sky. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi man lang ito kumurap. Sa halip na sa bewang ay sa balikat na lang siya humawak. Nakahinga ako ng maluwag.

Sumulyap ako kay Kervy na busy sa anak ni Timothy at walang pakialam sa akin. Tsk. Magselos ka naman!

"Tss, someone want me dead." mahina ng sabi ni Ryu.

"Huh?"

Ngumiti lang siya bago umalis, tapos naman ang pagkuha ng litrato. Bumalik ulit ako sa upuan at si Hideyori na ang katabi ko. Mabuti naman.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now