Kabanata 12

4 4 0
                                    

Kabanata 12

Ng inaakalang makatulog na ako ay sabay rin ang pagdating nila. Niyaya nila ako para kumain pero agad akong tumanggi pero parang bubuyog na bumubulong sa tenga ko si Gwy at kahit nagpabigat na ako at nagawa parin akong hilahin paalis sa upuan.

Ng makapagorder na sila ay nakatulog na ako kaya wala akong alam sa nangyari o napagusapan nila habang kumakain. Nagising lang ako dahil sa ilang beses na paghampas ni Gwy ng mineral bottle sa ulo ko. Sisigawan ko na sana siya ng dumating ang mga members ng SSG pero nanatili sa memorya ko ang pagpula ng pisngi ni Gwy nang mabilis na dumaan ang tingin ng SSG Presedent sakanya.

Hmm...

Hinayaan kong tangayin siya palayo at pinagmasdan Hanggang mawala sila sa paningin ko dahil nagtataka parin sa nasaksihan. Dumating ang bukas at nanakit na ang ulo at katawan ko dahil sa maghapon ang naging ensayo. Pakiramdam ko ay nagsisisi ako dahil mahirap pala na matigil ang pakikipagrambol sa mga gago dahil nabawasan ang 'warm up session' ko. Mabagal ang naging pagkilos ko hanggang makarating sa upuan pero mukhang pareho kaming may iniinda ni Gwy. Nakatulala ito sa plato at walang emosyon ang mukha pero mabilis na tumatalim ito ng masusulyapan ang ulam pritong manok.

Galit siya sa paborito niya luto ng manok? Iba nga ang araw na 'to.

Kinuha ko ang pritong manok pero inirapan niya lang ito. Wow! Anong nangyari sa fried chicken lover?

Natapos ang agahan ng napakabagal tila Wala ng pakialam sa iba ng hindi lang namin namalayan na malapit na ang simula ng practice ay hindi pa kami magaayos. Nakita agad namin sina Kervy kasama ang pinsan niya na nagtatawanan sa may ilalim ng punong mangga. Nakasuot lang ito ng plane white shirt pero kakaiba parin ang dating lalo na at may kasama pa itong eyeglass at ang maayos na pagkakasuklay ng buhok nito. Iba rin.

Sinuot ko ang itim ng sumbrero ng mapunta ako sa pwesto na mainit dahil sa init ng araw, alas syete pa lang pero ang tindi ng init. Nagsimula ang practice at lahat sila ay masiglang sumasabay sa saliw ng musika samantalang ako ay sobrang lumbay.

"Okay ka lang?" tanong ni Kervy ng makita ang walang buhay ma pagsasayaw ko.

"Tsk.Oks lang" maangas na saad ko,umiling na lang siya pero laging Inaalalayan ang galaw ko.

Paulit ulit hanggang sa makabisado na namin lahat ang mga steps, kaya naman binigyan kami ng tatlong oras na pahinga bago mag patuloy ulit. Muntik na akong makatulog mabuti na lang at bahagya akong tinapik ni Kervy.

Dumaan ang mga araw na mas lalong gumaganda ang daloy ng pagsasayaw, wala na ang nagkakamali lahat ay natuto sa maikling panahon dahil magaling rin ang nagturo at ang mga kaklase ko ay madali ring kumabisado. Natuto dahil gusto ang kanilang ginagawa.

Malim na ang gabi at nandito ako sa taas ng bubong nagpapahangin at minamasdan ang kalangitan na walang ni isang bituin. Wala ang paborito kong buwan dahil sa makakapal na ulap. Bukas na ang huling practice at maghahanda na ng kakailanganin na props.

Nakatulala lang ako sa gilid ng kanto nagbabasasakaling makita siyang nakatayo doon at sumisilay sa bintana ng kwarto ko hanggang bumuhos ang napakalakas na ulan. Ng makarating ako sa pintuan ang basa na ang buong katawan ko. Wala sa plano ko ang maligo sa ulan dahil sa pananakit ng katawan ko.

Sign of aging na ba ito?

Nang mahiga ako sa kama ay nilukob ako ng matinding pagkahilo. Bawat pitik ng orasan ay nagpapalala sa nararamdaman ko bago nilamon ng madilim na kadiliman.

"Mom where are you going?" saad ng batang babae habang inaalis ang putik sa mukha, galing lang ito sa labas matapos maglaro sa ulan. Hinihintay niya ang sasabihin ng ina pero nanatiling tahimik ito.

Caging The Cautious Dark [COMPLETED] Where stories live. Discover now