XX

485 27 2
                                    

XX
summer eve

Matapos matignan ang studio ay umuwi na rin ako't nagpahinga. Ginugol ko ang buong gabi sa pagsariwa ng mga munting memoryang kailan ko lang naalala. Paulit ulit ko ring pinagmasdan ang mga piraso ng polaroid na natanggap ko.

After Lyon told me he was my friend in the past, I got more frustrated to remember. Maybe he was that boy who offered me his shoes when I ran away from our mansion. So to at least know more about what I have forgotten, I agreed to meet him the next day.

"I can wait, Zhalia. Parang namadali yata kita." Aniya habang nakasandal sa pinto ng sasakyan, pinapanood akong halos tumakbo patungo sa kaniya.

"Hindi naman." Hinihingal ako paghinto sa harap niya.

Inayos ko ang nagulong bangs dahil hindi ko namakeupan ang pilat sa noo. But I froze in startle when Lyon extended his arm and fixed my hair sideways.

"You look pretty even with the scar." Aniya habang iniipit ang buhok ko sa parehong tainga.

Hindi pa ako agad nakahuma. Saka ko lang nagawang kumilos nang pagbuksan niya na ako ng pinto ng sasakyan.

"I'm sorry kung pinaghintay kita."

"I don't mind. You know, the younger you would have told me to wait."

Natigilan ako. Hindi ko na tuloy alam kung paano aakto sa harap niya. Baka ibang iba na ang ugali ko sa pagkakakilala niya sa akin, at hindi ko alam kung komportable ba siya roon.

"Was I too different?"

"Hmm, let's see.." Nagkunwari itong nag-iisip.

Maya maya ay napangiti at napailing, parang hindi makapaniwala.

"Yes, you're somewhat different. Pero mas marami namang hindi nagbago. I guess, you're just more matured now. Which is normal."

"Kailan mo ako nakilala?"

"Nag-almusal ka na ba?" Taliwas sa paksa niyang tanong.

Umiling ako.

"I-I didn't get to--"

"Let's get some breakfast first."

Sinubukan kong muling magtanong tungkol sa nakaraan ngunit mailap si Lyon sa pagsagot noon. He told me blatantly not to ask yet.

"Lia, don't force yourself with too many questions. I'll tell you little by little."

So I kept my silence until we settled in his chosen restaurant. Payapa kaming nag-almusal bago muling bumiyahe. Dinala ako ni Lyon sa isang pribadong polo club.

"What are we doing here?" I asked soon as we reached the hectare-wide polo grounds.

We changed into riding breeches and helmet. Iginaya naman kami ng tauhan ng club patungo sa mga polo pony.

"Maruno ka bang magpolo, Lia?" Hamon ni Lyon.

"Of course, are you challenging me?"

Huminto si Lyon sa paglalagay ng helmet at may kung ano'ng kumpiyansa sa mga mata nang ngumisi sa akin.

"That's more like you. Your competence never changed." He flashed me his boyish smile before effortlessly riding in his horse.

Sumampa na rin ako sa mounting block patungo sa kabayo. Nang makuha ang balanse ay pinatakbo ko iyon upang makasabay si Lyon. 

"Who taught you to play Polo?" Tanong niya habang sabay kaming nangangabayo patungo sa gitna ng malawak na field.

Ang marahang sinag ng pang-umagang araw ay humalik sa makakapal at kulay rosas niyang mga labi. His bright smile along with his eyes that always stares languidly were all directed at me.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon