I

2K 72 25
                                    

I

Claveria

Marahan ang takbo ng lumang Sedan sa kalsada na napagigitnaan ng mataas na damuhan. Matayog ang mga bulubundukin sa ilalim ng makakapal na ulap at walang hanggan ang bukirin. Panay ang kuha ko ng litrato mula sa bintana ng sasakyan.

"Ito po ba ang unang beses ninyo rito sa Claveria, miss?" Kuryosong tanong ng driver ng aking mama.

"Hindi po."

Dinungaw ko ang bintana. Hindi bago sa akin Claveria, at hindi rin ang ganitong tanawin. I grew up in the countryside of America, particularly in Pennsylvania.

Sumiklab ang gulo sa aming tahanan, anim na taong gulang ako. Naghiwalay ang mga magulang ko. Sumama si papa sa ibang babae. My mom was left devastated. She had attempts to end her life and was diagnosed with clinical depression. Iyon din ang naging rason kung bakit napunta ang custody ng mga kapatid ko sa aking papa matapos nilang maghiwalay.

My grandmother, Clementine Luisiana took care of me. She stays in Pennsylvania, USA. Ipinamana niya na ang pamamahala ng hacienda sa mga anak na babae at sa America nananatili. Inampon niya ako't doon pinalaki. Ngunit kahit ganoon ay madalas pa rin akong bumibisita rito sa Claveria.

I only stopped visiting after a car accident on the summer of my fifteenth year. It was one tragic story popular to the workers of our farm--the reason why I was prohibited to visit Claveria for years.

Pagkalipas ng tatlong taon, heto ako't muling bumisita. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko nang manatili.

Umahon ang galak sa aking puso nang matanaw ang Hacienda Luisiana. Our family's code of arms welcomed me and next were endless sugarcanes. Our clan traces a long history of nobility from being landowners, businessmen, and politicians.

My grandmother, on the other hand, is an English marchioness. Although their hierarchy has ended, since no one else inherited their family name, my grandmother owns a lot of estates in England up to Pennsylvania. I don't exactly remember how she met my grandfather, Gonzalo Luisiana but their marriage expanded the riches of our clan.

Ekta-ektaryang lupain ang nilampasan ng Sedan bago natunton ang mansyon. Ang matayog nitong gate ay sabay na nagbukas upang patuluyin ang sasakyan. Its vintage Victorian style made it look like a castle in the Renaissance. Kung hindi lamang bago ang pintura ay magmumukhang katakot-takot ang lumang istraktura.

The walkway towards the main door was surrounded with tall hedges. Malapit sa entrada ay nakapila ang mga kasambahay at ilang empleyadong sabay sabay na tumango sa pagdating ko.

Uminit ang pisngi ko. If I had known it would be like this, I would've come without notice.

"Zhalia!"

Mom was so excited that she nearly lost her balance while gracing the stairs of the mansion. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin.

"I miss you, anak. You've grown so much! You look different."

Hindi malaman ni mama kung saan magsisimula. Sa pagyakap, paghawak sa aking pisngi, pagsuyod ng tingin sa aking mukha o sa pangangamusta.

"I miss you to, ma. Pero kailangan bang ganito? Nakakahiya." Tinukoy ko ang mga naka-linyang unipermadong kasambahay.

"Of course, hija! Pinaghanda ko sila hindi lang para salubungin ka kundi para makilala ka na rin," aniya, tinutukoy ang mga kasambahay.

Iginaya ako ni mama sa loob ng mansyon. Sa engradang hapag ay naroon ang mga Auntie ko na sabay sabay akong sinalubong. Kaniya-kaniya silang postura na kahit na sa bahay lamang ay pormal ang kasuotan.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon