XXXVII

266 22 0
                                    

XXXVII
Summer Eight

“See? I am still faster than you!” Tuwang-tuwa ako nang maungusan na naman si Lyon sa pangangabayo. 

Isang taon lang ang nakalipas ngunit malaki na ang itinangkad nito. Some strands of his straight jet-black hair that is parted in the middle fell to his forehead. Nakangisi itong naghabol-hininga. 

“Yabang. Pinagbigyan lang kita.” Tukso nito.

“You’re just not as good as me. Tara isa pa. From here to there.” Itinuro ko ang pinakamalayong bahagi ng rancho.

Sumang-ayon si Lyon. Buong-pwersa kong kinastigo ang latigo at humarurot ng takbo si Apollo. My eyes widened in fear. That was unexpected! 

This scene is just so familiar. My horror elevated when I started losing balance. 

“Apollo, slow down!” Hinigit ko ito ngunit patuloy pa rin ang mabilis na takbo.

“Oh my god oh my god! Lyon! He’s being uncontrollable again!” Sigaw ko dahil malayo na ako kay Lyon.

Narinig ko ang mabilis na pag-alegro ni Lyon. Sinubukan niya akong habulin ngunit ramdam kong malapit na akong mahulog. I lost balance and I lost grip of the buckled straps. 

Apollo took a harsh turn and my feet slipped off the saddle. Inabangan ko ang pagkahulog sa damuhan ngunit sinalo ako ni Lyon. I collapsed on his body and we both rolled on the ground.

“Ouch.” I groaned and held my back. Mabuti na lang at pareho kaming naka-helmet.

“Are you okay?” 

“Yes. Thank you.” 

“’Wag mo na ulit gagawin iyon.” Inalalayan ako ni Lyon sa pagtayo.

“Don’t tell Agustin-“ Umurong ang dila ko nang rumehistro sa aking mga mata ang bigote at cowboy hat ng equestrian teacher ko.

“Simula ngayon, hindi na kayo pwedeng mag-karerahan sa rancho.” The middle-aged Agustin reprimanded us back to the stables.

“Oh please, Agustin. Naglalaro lang kami ng habul-habolan.” Palusot ko.

“Kasama ang mga kabayo?” 

“Yes! Hinahabol namin sila!” Ani Lyon. 

Sumimangot ako rito. He really is a bad liar.

“Basta, hindi na kayo pwedeng magkarerahan.”

“Don’t worry. We’ll still race when he’s not looking.” Lyon whispered and winked at me. I giggled silently. 

“Lyon, do you know where Cassiel lives?” Nang sumunod na umaga, magkatabi kami ni Lyon sa harap ng grand piano ko.

May piano lesson ako ngayon. Madalas ay pinanonood lang ako ni Lyon. Break time at nagmemerienda ang teacher ko kaya nagawa ko itong kausapin.

“Hindi eh.” He said sadly.

Pagkatapos ng birthday ko noong isang taon ay hindi ko na ulit nakita si Cassiel. Isang araw rin kasi pagkatapos noon ay bumalik na ulit ako sa America. 

“Maybe he’ll show up again on your birthday?” 

Hindi ko maiwasang isipin kung makikita ko ba siya ulit kaya nagkanda-mali mali ako nang muli ng tumugtog ng piano.

“Lia, mabagal ang tempo sa parteng ito.” Itinuro ng teacher ko ang music sheet. 

Sumimangot ako at inilabas ang crayola ko. Kinulayan ko iyong staff at whole note. Napabuntong hininga ang guro.

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon