XIII
paintings
"JM Daza liked your portfolio. He's asking to schedule a collaboration with you."
Hindi maipaliliwanag ng mga salita ang tuwa ko nang mabasa ang mensahe ni Stav. Isang linggo matapos iyong shoot namin ay ibinalita niya sa akin ito.
Ilang araw ko ring nilabanan ang mga tawag ni mama na pilit na akong pinauuwi ng Claveria. Now the wait is over and it was worth it! Kaya naman sa oras na mabasa ko iyon ay umalingawngaw ang tili ko sa bahay ni Zeke.
"Ano ba iyan Zhalia?" Aburidong binuksan ni Zeke ang kuwarto ko.
"Kuya! I'm about to have my modeling break!"
Taliwas ng abot langit kong tuwa ay nanatiling walang ekspresyon si Zeke maliban sa pagkairita. Nakabusangot pa ito nang muling isarado ang pintuan.
Bahagya ko tuloy ikinadismaya na wala si Linn ngayon para sa balitang ito. Maaga itong umalis para bisitahin ang ina na narito rin sa Manila. She's also moving out soon for her own unit.
Dahil walang mapagsidlan ang tuwa ko, naisipan kong ibahagi iyon kay Lyon.
"Hey." Medyo maaga pa kaya ikinatuwa ko nang agad itong sumagot sa tawag.
"Lyon." Kasingtingkad ng pang-umagang araw ang pagsilay ng ngiti ko.
"Lia, good morning." Halatang kagigising lang ng boses nito. His bedroom voice sounded like a lazy murmur, and it was music in my ears.
"I have a good news."
"Really? Ano iyon?" Ang kaninang tinatamad na boses ay nabahiran bigla ng tuwa.
"I'm going to model for JM Daza." The words slipped in between my endless smile.
"Woah. That's great!"
Dumagdag sa saya ko ang tuwang isinukli nito. It made me giddy at the pit of my stomach.
"That's great Lia." Ulit pa nito. I can almost see him smiling from the other end.
"I know, right?"
Nakagat ko ang labi ko. Ito na iyong parte na dapat may bago akong sasabihin upang hindi matapos ang usapan. Ngunit dahil sa saya ko ay hindi ako makapag-isip ng maayos. Baka ano'ng masabi ko. Baka matanong ko kung ano'ng favorite color niya.
"Alam na ba ni Zeke?"
Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Mabuti na lang at nagbukas siya ng paksa.
"Uh, yes. He overheard me screaming because of it."
"We should celebrate." Lyon's manly voice cheered.
"Sure. Uhm, dinner?"
I want to have dinner with him. I want it to be just the two of us to celebrate. Kinabahan ako na baka tumanggi siya ngunit hindi iyon nangyari.
"Sure. Susunduin kita."
Impit akong napatili pagkatapos ng tawag. Wala na yatang igaganda ang araw na ito. Wala akong ginagawa at wala rin si Linn kaya buong araw ay naghihintay lamang ako sa pagdating ng gabi.
Kinahapunan, naghahanda ako para sa pagdating ni Lyon nang makatanggap ako ng tawag mula kay Stav.
"Valerio, why?" Sagot ko habang pinupulido ang lipstick.
"You owe me a dinner."
"What?" Otomatiko ang pagtatagpo ng mga kilay ko.
"Because of me, JM will shoot with you. You owe me a dinner. Ano'ng tingin mo sa akin? Charity?"
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA (La Mémoire #1)
RomanceBorn to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more complex. There was an accident. She was sure she remembered everything, or so she thought. Dreams. Polaroids. An old script. Sunflowers. A hangi...