LV

510 12 0
                                    

LV

"Bukas, bago ako umalis pwede bang magkita muna tayo?" Pakiusap ko kay Stav. 

Alas-kwatro ng hapon ang biyahe ko pa-Manila bukas dahil sa susunod na araw na ang flight ko pabalik ng America. Habang papalapit iyon ay lalong hindi ko matanggap. Gusto ko na lang takasan ang pagtatapos ng bakasyon.

"Dito rin ba sa hardin? Pupuntahan kita."

"Oo. Hihintayin kita." 

Naulinagan ko mula sa bulwagan ang paglabas ng ilang mga bisita. Mukhang patapos na ang party ng Auntie. 

"Bumalik ka na, Clem. Magkita na lang ulit tayo bukas." Napapaos niyang hayag. Pinakawalan niya ang kamay kong kanina niya pa hawak. 

"Mag-iingat ka," Paalam ko. 

"Good night. I'll see you tomorrow," Hinagkan niya ang noo ko. 

Nilingon ko pa ito ng isang beses bago tumatakbong bumalik sa loob ng mansyon. 

I was over the moon that night. Paulit-ulit kong pinagmasdan ang bigay niyang singsing. Hindi mapalis ang mga ngiti ko at ang labis na saya sa puso ko. For the first time in what felt like years, I slept in peace and happiness. 

Handa na ako sa pag-alis ng sumunod na araw, gaano man iyon kabigat para sa akin. Sa isang iglap, tuluyan na akong nawalan ng interes sa America. Our farmlands and mansion there, plus my Ivy League school, my lola, and my girlfriends, all seemed to matter less. 

Kahit pa tuwing bakasyon lang ako narito sa Claveria, pakiramdam ko ito na ang totoo kong tahanan. Pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko.

Madali na sana iyon para sa akin. Handa na sana akong lisanin muli ang Claveria kung hindi lang sumiklab ang isang balita. 

There was a subtle panic in the living room between my Aunts and my mother when I got there. Parang nag-aaway ang mga ito. Ang Auntie Camila, kabado sa isang sulok. Hindi na ako nakialam at baka mapagalitan na naman ako. 

Ngunit sa kusina, narinig ko sa mga kasambahay na binawian na umano ng buhay ang dalawang magsasakang biktima ng pamamaril sa riot. Bukod pa sa mga nasawi, marami ring nasaktan. 

The weight of the tragedy tripled on my conscience. People were killed. God, people. People with lives and dreams and families, and memories...gone, just like that. How could killing be so easy to some? How could you possibly take away all that there is to a person? His past and present and his future? How could you forever take away someone from all his loved ones? 

Ang malala pa nito, may kinakaharap na kaso ang mga miyembro ng union ng magsasaka dahil sila umano ang nagsimula ng pagkakagulo. May mga dala umano silang armas tulad ng baril. It's ridiculous how they turned the tables. It's evil. 

"Tita, I will tell the cops on you!" I hysterically cried in the living room.

The three elegant women turned their heads to me. Mama was filled with shock. Auntie Camila held her forehead, scared. Auntie Martina was immediately angry. 

"'Wag ka ng makiealam, Zhalia. Bata ka pa at wala kang nalalaman sa mga bagay na ito." Kontra ng Auntie.

"I was a witness. Ipakukulong kita. I will be your downfall!" 

"Zhalia!" Saway ni Mama. 

"Love, bumalik ka na lang muna sa kwarto mo. Ihahatid ka na ni Andres mamaya sa Manila." Pakiusap ni Auntie Camila. 

Napailing ako, bumabagsak ang mga luha. Pumanhik ako sa kwarto at doon pinakawalan ang mga hagulhol. I feel so guilty and angry. Sobra akong naaawa sa mga biktimang magsasaka. Nagagalit ako para sa kanila. 

NOSTALGIA (La Mémoire #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon